Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 5/8 p. 17-18
  • 100 Taong Gulang at Lalong Malakas Kaysa Kailanman!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 100 Taong Gulang at Lalong Malakas Kaysa Kailanman!
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 100 TAON
  • 100 Taong Gulang at Lalong Malakas Kaysa Kailanman
  • Isang Panunumbalik sa Tunay na Diyos
    Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
  • Malawakang Paglalathala ng Salita
    Gumising!—1985
  • Bahagi 4—Mga Saksi Hanggang sa Kadulu-duluhang Bahagi ng Lupa
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • ‘Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita’
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 5/8 p. 17-18

100 Taong Gulang at Lalong Malakas Kaysa Kailanman!

100 TAON

ANG Watch Tower Society ay ipinagbabawal pa rin sa ibang mga bansa kung saan ang tunay na relihiyosong kalayaan ay hindi umiiral. Nangangahulugan ba iyan na ang mabuting balita ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos ay hindi naipangangaral sa mga bansang iyon? Nang ang mga Kristiyanong apostol ay pagbawalan ng mga klerong Judio, ano ang kanilang reaksiyon? Sabi nila: “Kailangang magsitalima muna kami sa Diyos bilang pinuno bago sa mga tao. At kami’y mga saksi ng mga bagay na ito, at gayundin ang banal na espiritu, na siyang ibinigay ng Diyos sa nagsisitalima sa kaniya bilang pinuno.”​—Gawa 5:29, 32.

Nariyan ang mahalagang punto. Ang mga Saksi ni Jehova ay sumulong at ngayo’y mas malakas kaysa kailanman, kahit na sa lugar na ipinagbabawal, salamat sa patnubay at proteksiyon ng banal na espiritu ng Diyos. Tiyak, bilang neutral at maibigin-sa-kapayapaan na mga tao, wari bang sila’y napakahina. Wala silang pulitikal na impluwensiya o mga alyado na magtatanggol sa kanila. Kung gayon papaano sila nakaligtas at umunlad?

Ang Diyos ng Bibliya ay sumasagot: “ ‘Ano mang armas na gagawin laban sa iyo ay hindi magtatagumpay, at ano mang dila na magbabangon laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ni Jehova, at ang katuwiran nila ay sa akin,’ sabi ni Jehova.” “ ‘Hindi sa pamamagitan ng lakas militar, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,’ sabi ni Jehova ng mga hukbo.”​—Isaias 54:17; Zacarias 4:6.

100 Taong Gulang at Lalong Malakas Kaysa Kailanman

Sa pagtatapos ng 1918 mayroon lamang iilang libong aktibong mga Saksi sa buong daigdig, at ang kanilang literatura sa Bibliya ay inilalathala sa mga 17 wika. Gaya ng nakita natin, mula noong 1933 hanggang 1945 ang Watch Tower Society ay dumaan sa isa pang mahirap na yugto ng pag-uusig sa maraming bansa. Kahit na sa Estados Unidos, kung saan ang kalayaan sa pagsamba ay protektado ng batas, legal na ipinagtanggol ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang karapatan na mangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Filipos 1:7) Sa Korte Suprema ng Estados Unidos ay naipanalo nila ang 21 mga disisyon pabor sa kanilang pagsamba at mga simulain. Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, mayroong 141,606 aktibong mga Saksi sa 68 mga lupain kung ihahambing sa 71,509 noong pagsisimula ng digmaan. Noong 1945 isang kabuuang bilang ng 186,137 mga tao ang dumalo sa taunang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Kristo.

Kumusta na ang mga Saksi pagkalipas ng 39 na mga taon? Mayroon na ngayong mahigit sa 2,670,000 mga Saksing nangangaral sa 205 na mga bansa at sa 190 mga wika. Ang dumalo sa Memoryal noong 1984 ay halos 7,000,000. Iyan ay mas marami kaysa populasyon ng maraming bansa sa daigdig!

Pinararangalan ba ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga sarili sa bagay na ito? Hindi. Samantalang tinatanggap nila ang pananagutan ng pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, kinikilala nila na ‘ang Diyos ang patuloy na nagpapalago nito.’​—1 Corinto 3:6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share