Ginagamit na Aklat-Aralan
Ganito ang isinulat ng isang ina na taga-Italya tungkol sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya”:
“Dinala ng aking otso-anyos na si Emanuele ang aklat niya upang ipakita sa titser. Ito’y nabighani sa nilalaman at ang sabi: ‘Akin na ang aklat na ito.’ Nang umagang iyon ay binasa niya sa klase ang tungkol sa Sampung Salot at nagtawanan ang mga bata tungkol sa mga palaka na pumasok sa mga bahay, at nagustuhan nila ang ritrato. At inatasan ang klase na sumulat ng maikling paglalahad tungkol sa binasang iyon sa kanila.
“Nagtaka kami ni Emanuele dahil sa ang titser na ito ay saradong Katoliko at salansang sa mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos ang aklat ay ipinakita niya sa pari na nagtuturo roon ng relihiyon, at itinanong kung dapat niyang ipagpapatuloy ang pagbabasa nito sa mga bata yamang lathala ito ng mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos na tunghayan ang aklat, sinabi ng pari na napakaganda raw iyon at talagang angkop sa mga bata. Sinabi niya sa titser na maipagpapatuloy niyang gamitin iyon sa pagleleksiyon. Araw-araw halos ang mga bata ay binabasahan ng titser at saka pasusulatin sila tungkol doon o kaya’y tatalakayin nila iyon sa klase.
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya ay may 116 kuwento sa Bibliya tungkol sa kung ano ang nilalaman ng Bibliya. May malalaking letra ito at mahigit na 125 mga larawan, karamihan ay de-kulor. Tatanggapin ninyo ang 256-pahinang aklat na ito kung susulatan at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya naglakip ako ng ₱30.00. (Para sa presyo sa mga ibang bansa, pakisuyong magtanong sa lokal na opisina ng Watch Tower Society.)