Kung Paano Nakakalipad ang Ibon
Ginagawa na ito ng mga bagwis o pakpak ng ibon bago pa umiral ang mga eroplano. Sa katunayan, matagal nang panahon bago pa umiral ang tao. Ang panloob na hati ng pakpak ay nagbibigay ng kinakailangang pag-angat o pagtaas. Ito ay kurbada sa tuktok, humigit-kumulang patag o lapad sa ilalim na panig. Ang hanging nagtutungo sa ibabaw ng pataas na kurbada ng pakpak ay kinakailangang maglakbay nang mas malayo kaysa sa hangin na nagtutungo sa kalapit na halos tuwid na linya sa ilalim. Kaya, ang hangin sa ibabaw ay kailangang mas mabilis, sa gayo’y umuunti. Ito’y nangangahulugan na hindi gaano ang bigat sa itaas, kaysa ibaba. Ang mas matinding bigat na ito sa ilalim ang tumutulak sa pakpak paitaas, inaangat ito. Ang mga ibon-dagat, na patungo sa isang malakas na hangin, ay hindi ikinikilos ang kanilang mga pakpak, unti-unting tumataas dahilan sa lakas ng pag-angat na ito ng kurbada sa panloob na hati ng kanilang pakpak. Kinopya ng mga tagapagdisenyo ng mga pakpak ng eroplano ang kurbadang ito upang itaas ang kanilang mga makina—subalit una itong ginawa ng Diyos, nang lalangin niya ang mga ibon.
Isang kababalaghan ng paglalang na hindi pa nagagaya ng tao: ang biyolohikal na helikopter na iyon na tinatawag na hummingbird. Ito ay lumilipad na paabante, at paatras, pakaliwa’t-pakanan, patiwarik, o walang tinag na aali-aligid, ang lahat ay dahilan sa paraan ng pagkilos ng pakpak nito. Ginagamit din nito ang kurbada sa pakpak para umangat, subalit taglay ang kamangha-manghang pagkakaiba. Ang mga pakpak nito ay medyo matigas, maliban sa hugpong sa balikat. Malaya itong nakakaikot sa hugpong sa balikat anupa’t maaari itong umikot ng 180 digris. Kaya ang isang panig nito ay nasa ibabaw kapag ang pakpak ay kumukumpas nang pasulong at ang kabilang panig naman kapag ito ay umaatras. Gayunman ang mga balahibo sa pakpak ay bumabaluktot upang pumaitaas, ang kurbada sa pakpak kung aling panig ang nakaharap! Kaya sa bawat kumpas ng pakpak, maging ito ay paabante o paatras, ay nagpapataas dito na nagpapangyari rito na walang tinag na umali-aligid upang sipsipin ang nektar sa mga bulaklak. O basta pumailanglang sa himpapawid na nakatingin sa iyo.
[Dayagram sa pahina 15]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Kumikilos na Hangin
Pagtaas
Grabidad