Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 9/22 kab. 2 p. 24-27
  • Ang mga Isyu na Kinasasaligan ng Ating Kinabukasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Isyu na Kinasasaligan ng Ating Kinabukasan
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • ANG USAPIN NG PAGKASOBERANO
  • ALING PANIG ANG PIPILIIN MO?
  • ANG LAHAT NG MGA BANSA AY PATUNGO SA ARMAGEDON
Gumising!—1986
g86 9/22 kab. 2 p. 24-27

Kabanata 2​—Pagkaligtas Tungo sa Isang Bagong Lupa

Ang mga Isyu na Kinasasaligan ng Ating Kinabukasan

1. (a) Anong kasalukuyang mga isyu ang nangingibabaw sa pag-iisip ng maraming tao, at saan sila tumitingin para sa mga kalutasan? (b) Ano ang madalas nilang hindi isinasaalang-alang?

SA NAKALIPAS na mga taon mabilis at sunud-sunod na mainit na mga isyu na nagsasangkot sa ating kinabukasan ang iniharap sa atin. Gayon na lamang ang mga kalagayan anupa’t ang mga tao saanman ay lubhang nagnanais ng kaginhawahan. Marahil naniniwala sila sa Diyos, subalit maaaring ipalagay nila na kung ang kalagayan dito sa lupa ay bubuti, gagawin ito ng mga tao. Sinisikap gawin ito ng iba sa pamamagitan ng umiiral na mga gobyerno o sa pamamagitan ng mga protesta ng karamihan ng tao laban sa mga disisyon ng mga pamahalaang ito. Ang iba ay naniniwala na ang rebolusyon ang tanging paraan. Inaakala nila na ang pagpapalit ng mga batas, paghahalili sa mga pinuno o pati na sa buong gobyerno ay tiyak na magpapabuti sa mga kalagayan. Subalit ano ang ipinakikita ng mga katotohanan? Pagkatapos subukin sa loob ng libu-libong mga taon, ang mga tao ay hindi nakagawa kahit isang gobyerno na nagdala ng walang kinikilingang katarungan, tunay na katiwasayan at walang hanggang kaligayahan sa lahat ng sakop nito. Bakit ganito?

2. Bakit ang mga kalagayan sa daigdig ay napakasama?

2 Gaano man karangal ang mga layunin ng mga taong nasa kapangyarihan, lahat ng mga pamahalaan ng tao ay iniimpluwensiyahan ng mga puwersang hindi kaya ng mga taong nanunungkulan. Nino? Ng mga espiritung nakahihigit sa tao, si Satanas na Diyablo at ang kaniyang mga demonyo. Oo, tinutuya ng maraming tao ang paniniwala sa gayong espiritung mga persona. Subalit hindi ito tinuya ni Jesu-Kristo. Personal na batid niya ang pinagmulan ni Satanas at tinukoy niya ito bilang “ang pinuno ng sanlibutang ito.” (Juan 12:31) Sa simbolikong pananalita, inilalarawan ng Bibliya ang pangglobong pulitikal na sistema na isang mabangis na hayop at isinisiwalat na “ang dragon [si Satanas] ang nagbigay sa mabangis na hayop ng kaniyang kapangyarihan at ng kaniyang trono at ng dakilang kapamahalaan.” (Apocalipsis 13:1, 2; ihambing ang Daniel 7:2-8, 12, 23-26.) At sa ating panahon inihula ng Bibliya ang pagdami ng ‘kaabahan sa lupa . . . sapagkat ang Diyablo’y bumaba sa inyo.’ (Apocalipsis 12:12) Wala nang iba pa na kasiya-siyang makapagpapaliwanag sa kaguluhan na kinasuongan ng lipunan ng tao. Subalit paanong nangyari ito? Ano ang magagawa natin upang guminhawa?

ANG USAPIN NG PAGKASOBERANO

3. Ano ang ipinakikita ng Genesis 2:16, 17 kung tungkol sa wastong kaugnayan ng tao sa Diyos?

3 Ang panimulang mga kabanata ng Bibliya ay nagsasabi sa atin na nang lalangin ng Diyos na Jehova ang unang mag-asawang tao, sina Adan at Eva, at inilagay sila sa hardin ng Eden tinuruan niya sila tungkol sa kanilang kaugnayan sa kaniya. Siya ang kanilang Ama, ang kanilang bukas-palad na Tagapaglaan, gayundin ang Pansansinukob na Soberano. Para sa kanila mismong kabutihan, kailangan nilang pahalagahan na ang kanilang patuloy na buhay ay nakasalalay sa pagsunod sa Diyos.​—Genesis 2:16, 17; ihambing ang Gawa 17:24, 25.

4. (a) Saan nagmula si Satanas? (b) Anong maling pagnanasa ang hinayaan niyang mangyari?

4 Nang panahong iyon ang lahat ng nilalang ay sakdal. Di-gaya ng mga hayop, ang mga anghel at ang mga tao ay may kakayahan na malayang pumili. Subalit hindi pa natatagalan pagkatapos na lalangin ang tao isa sa mga anghel, na inabuso ang kahanga-hangang kakayahang gumawa ng personal na mga disisyon, ay naghimagsik laban sa pagkasoberano ni Jehova. Sa gayon ginawa niya ang kaniyang sarili na isang kaaway, o mananalansang, na siyang literal na kahulugan ng pangalang Satanas. (Ihambing ang Santiago 1:14, 15; Apocalipsis 12:9.) Naudyukan ng ambisyon, sinikap ni Satanas na hikayatin ang unang mag-asawa na lumayo sa Diyos na Jehova at dalhin sila sa ilalim ng kaniyang sariling impluwensiya. Nakita niya sa kanila ang potensiyal para sa isang lupa na punô ng mga taong magpaparangal sa kaniya bilang kanilang Diyos. (Ihambing ang Isaias 14:12-14; Lucas 4:5-7.) Ang ulat ng kung ano ang nangyari sa Eden ay hindi isang pabula lamang. Binanggit ito ni Jesu-Kristo bilang makasaysayang katotohanan.​—Mateo 19:4, 5.

5. (a) Anong mga isyu o usapin ang ibinangon sa Eden? (b) Sino ang apektado nito?

5 Sinabi ni Jesus tungkol sa Diyablo: “Siya’y hindi nanatili sa katotohanan . . . Siya’y isang sinungaling at ama ng kasinungalingan.” (Juan 8:44) Ang kauna-unahang naiulat na kasinungalingan ng Diyablo ay kay Eva nang hamunin niya ang pagiging totoo ng Diyos. Hinimok niya na tanggihan ang batas ng Diyos at ipinangatuwiran na magiging kapaki-pakinabang para sa bawat isa na magtakda ng kaniyang sariling mga pamantayan sa buhay. (Genesis 3:1-5; ihambing ang Jeremias 10:23.) Sa gayon ang pagkasoberano ni Jehova ay hinamon doon sa Eden. Gaya ng ipinakikita ng mga pangyayari ng dakong huli, hinamon din ang katapatan sa Diyos ng lahat ng matalinong mga nilalang. Naglilingkod ba sila sa Diyos sapagkat talagang mahal nila siya, o maaari kayang italikod sila sa kaniya? (Job 1:7-12; 2:3-5; Lucas 22:31) Apektado ng mga usaping ito ang lahat sa langit at sa lupa. Anong pagkilos ang kinuha ng Pansansinukob na Soberano?

6. Bakit hindi karakarakang pinuksa ni Jehova ang mga rebelde?

6 Sa halip na karakarakang puksain ang mga rebelde, may katalinuhang ipinahintulot ni Jehova ang ilang yugto ng panahon upang ang mga usapin ay lutasin minsan at magpakailanman. Ginawa ito ng Diyos, hindi upang patunayan ang anumang bagay sa kaniyang sarili, kundi hayaang makita mismo ng mga nilalang na may kalayaang magpasiya ang masamang bunga ng paghihimagsik laban sa kaniyang pagkasoberano, gayundin upang bigyan sila ng pagkakataon na ipakita kung ano ang kanilang personal na katayuan sa mahalagang mga bagay na ito. Kapag nalutas na ang mga usapin, hinding-hindi na muling pahihintulutan ang sinuman na guluhin ang kapayapaan.

7. (a) Paano nagsimula ang mga pamahalaan ng tao? (b) Anong uri ng rekord ang nagawa nila?

7 Ang Diyos na Jehova, na siyang Maylikha ng tao, ang kanila ring matuwid na Pinuno. (Apocalipsis 4:11) Gayunman, pinukaw ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo sa mga tao ang pagnanais na hindi lamang magtakda na kanilang sariling mga pamantayan ng mabuti at masama kundi pamahalaan din ang kanilang kapuwa-tao. Si Nimrod ang kauna-unahang nagtatag sa kaniyang sarili bilang isang hari, namuno sa mga lunsod sa Mesopotamia. Siya ay “isang makapangyarihang mangangaso [kapuwa ng mga hayop at ng mga tao] na salungat kay Jehova.” (Genesis 10:8-12) Mula noong kaarawan ni Nimrod hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng uri ng pamahalaan ng tao ay sinubok na. Subalit ang pangkalahatang rekord, gaya ng nalalaman ng sinumang estudyante ng kasaysayan, ay isang rekord ng kabulukan at pagbububo ng dugo.​—Eclesiastes 8:9.

8. Bakit tumanggi si Jesus na masangkot sa pulitikal na sistema ng daigdig?

8 Nang si Jesu-Kristo ay nasa lupa, sinikap ni Satanas na pati siya ay dalhin sa ilalim ng kaniyang impluwensiya. Inalok niya si Jesus ng “lahat ng mga kaharian sa tinatahanang lupa” bilang kapalit ng isang gawa ng pagsamba. Tumanggi si Jesus. (Lucas 4:1-13) Nang malaunan nais ng mga taong gawin siyang hari, subalit lumayo si Jesus. (Juan 6:15) Alam niya kung ano ang pulitikal na sistema ng daigdig, at batid niya na hindi kalooban ng Diyos para sa kaniya na sikaping pagbutihin ito.

9. (a) Upang lutasin ang mga suliranin ng tao, ano ang dapat gawin na magagawa lamang ng Kaharian ng Diyos? (b) Ano ba ang Kahariang iyon?

9 Ipinakita ni Jesus ang ganap na katapatan kay Jehova, ang kaniyang Diyos at Ama. Inibig niya ang mga daan ng kaniyang Ama at lagi niyang ginagawa ang mga bagay na nakalulugod sa kaniya. (Juan 8:29) Alam niya na ang kalutasan sa mga suliranin ng tao ay darating sa pamamagitan ng Kaharian ng Diyos, isang tunay na pamahalaan na magpupuno mula sa langit at maglalaan ng matuwid at maibiging pamamatnubay na kinakailangan ng sangkatauhan. Ang Kaharian na iyon lamang ang makapag-aalis ng impluwensiya ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo. Ito lamang ang makapagkakaisa sa mga tao ng lahat ng mga lahi at mga bansa tungo sa isang pangglobong pamilya na namumuhay sa kapayapaan. Ito lamang ang makapagliligtas sa tao sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. Ito lamang ang makapagdadala ng walang hanggang kaligayahan sa sangkatauhan. Ang Kahariang ito ay hindi isang kaayusan na ginawa ng mga pulitiko at pinagpala ng klero. Ang tunay na mga Kristiyano ay hindi napipilitang gumamit ng mga sandatang pamuksa upang itaguyod ang mga kapakanan nito. Ito’y sariling pamahalaan ng Diyos, na may sakdal na makalangit na Hari na iniluklok mismo ng Diyos. Ito ang Kaharian na ipinangaral ni Jesus at na itinuro niya sa kaniyang mga tagasunod na ipanalangin.​—Daniel 2:44; Apocalipsis 20:1, 2; 21:3, 4.

ALING PANIG ANG PIPILIIN MO?

10. (a) Ano ang malaking isyu na dapat harapin ng bawat isa sa atin? (b) Ano ang dapat natin gawin tungkol dito?

10 Ang isyu na dapat mong harapin ay ito: Kinikilala mo ba na ang Diyos na Jehova, ang Maylikha ng sansinukob, ang siya ring makatuwirang Soberano nito, ang Kataas-taasang Pinuno nito? Ikaw ba’y naglaan ng panahon upang alamin ang kaniyang layunin at ang kaniyang mga kahilingan na gaya ng inilalahad sa Bibliya? Bilang paggalang sa kaniyang katayuan at bilang pagpapahalaga sa kaniyang mga daan, pinatutunayan mo ba ang iyong sarili na maibiging sumusunod sa kaniya?​—Awit 24:1, 10; Juan 17:3; 1 Juan 5:3.

11. Bakit ang pagpili ng kakaibang landasin ay hindi nagdadala ng kaligayahan?

11 Ang mga tao bang pumipili ng ibang landasin ay mas maligaya? Ano ang nangyari sa pangangatuwiran ni Satanas na ang mga tao ay makikinabang sa pamamagitan ng paggigiit ng kanilang kasarinlan sa halip na makinig sa Diyos? Ang hindi pagkilala na ang Diyos ang nagmamay-ari sa lupa at na ang lahat ng sangkatauhan, bilang mga inapo ng unang mag-asawa, ay dapat na maging magkakapatid ay nagbunga ng pagpapatayan ng di-kukulanging 99 na milyong mga lalaki, mga babae at mga bata sa mga digmaan sa siglo lamang na ito. Ang hindi pagkapit ng mga pamantayang moral ng Bibliya ay nagbunga ng wasak na mga tahanan, mga epidemya ng sakit benereal, pagsira sa kalusugan sa pamamagitan ng pagkasugapa sa droga, at marahas na krimen. Nakakaharap kahit na ng mga taong nakakaiwas sa marahas na wakas ang kamatayan dahilan sa kasalanang minana kay Adan. Ipinakikita ng lahat ng katibayan na sinasaktan lamang ng mga tao ang kanilang mga sarili at yaong mga nasa paligid nila kapag winawalang-bahala nila ang matalino at maibiging mga kahilingan ng Maylikha. (Roma 5:12; ihambing ang Isaias 48:17, 18.) Tiyak na hindi iyan ang uri ng buhay na nais mo. Maaari kang pumili ng isang bagay na higit na mabuti.

12. (a) Anong masiglang paanyaya sa atin ng Bibliya? (b) Habang pasulong na ikinakapit natin ang Salita ng Diyos sa ating mga buhay, ano ang mararanasan natin?

12 Taglay ang masiglang pagsamo, ang Bibliya ay nag-aanyaya: “Inyong tikman at tingnan ninyo na si Jehova ay mabuti, Oh kayong mga tao; maligaya ang matipunong tao na nanganganlong sa kaniya.” (Awit 34:8) Upang gawin iyan, dapat mong makilala si Jehova at pagkatapos ay ikapit ang kaniyang payo. Habang ginagawa mo ito, ang iyong buhay ay mapupunô ng kabuluhan. Sa halip na sisinghap-singhap sa panandaliang kasiyahan na maaaring makatulong sa iyo na pansamantalang kalimutan ang mga problema subalit kadalasan ay nagdudulot ng sama ng loob sa dakong huli, matututuhan mo kung paanong matagumpay na mapakikitunguhan ang mga problema sa buhay at kung paano magkakaroon ng walang hanggang kagalakan. (Kawikaan 3:5, 6; 4:10-13; 1:30-33) Magkakaroon ka rin ng pag-asang makibahagi sa kamangha-manghang mga pagpapala na darating sa pamamagitan ng Kaharian ng Diyos. Kung ito ang uri ng buhay na inaasam-asam mo, mahalaga na kumilos ka ngayon. Bakit?

ANG LAHAT NG MGA BANSA AY PATUNGO SA ARMAGEDON

13. Bakit mahalagang manindigang matatag sa panig ni Jehova ngayon?

13 Hindi kukunsintihin magpakailanman ni Jehova ang mga tao at ang mga organisasyon na sinasadya o di-sinasadyang sumusunod sa pangunguna ni Satanas. Hindi sila pahihintulutan na patuloy na waling-bahala ang batas ng Diyos, ginagamit sa maling paraan ang lupa at pinasasama ang buhay para sa iba. Nakakaharap nila ang isang araw ng pagtutuos sa tinatawag ng Bibliya na “ang dakilang araw ni Jehova.”​—Zefanias 1:2, 3, 14-18.

14. Sa ano tinitipon ang lahat ng mga bansa ngayon?

14 Sa isang pagpapahayag ng mga pangyayari na magaganap sa mga huling araw ng kasalukuyang sistema ng mga bagay, isiniwalat ni Jesu-Kristo na ang “mga pananalita na kinasihan ng mga demonyo” ay “nagtutungo sa mga hari ng buong tinatahanang lupa, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” Gaya ng ipinakikita ng pagsisiwalat na iyon, “kanilang tinipon sila sa dako na tinatawag sa Hebreo na Har–Magedon [o, Armagedon].” Ang pagtitipon na iyan ay nagaganap na!​—Apocalipsis 16:14, 16; Authorized Version.

15, 16. (a) Ano ba ang Armagedon? (b) Bakit ito kinakailangan?

15 Ang Armagedon na binabanggit ng Bibliya ay hindi isang bagay na maaaring iwasan sa pamamagitan ng isang nuclear freeze. Hindi ito mapahihinto ng internasyonal na mga negosasyon. Ang pangalan ay maliwanag na hinango mula sa sinaunang lunsod ng Megido, subalit higit pa ang nasasangkot kaysa isang lugar sa Gitnang Silangan. Sinusulsulan ng di-nakikitang “pinuno ng sanlibutang ito,” ang lahat ng mga bansa, sa kabila ng kanilang iba’t ibang pulitikal na mga ideolohiya, ay tinitipon sa isang pambuong daigdig na kalagayan na nagpapakita ng kanilang pagsalansang sa Diyos na Jehova. “Ang mga hari sa buong tinatahanang lupa,” kasama na ang lahat ng kanilang mga tagasunod, ay pinangyayaring gumawa ng kanilang paninindigan. Karakaraka bago ang Armagedon ang kanilang pagsalansang sa Kaharian ng Diyos at sa lahat ng naghahayag nito ay lubhang titindi sa buong lupa. Sa kilalanin man nila o hindi ang pag-iral ni Satanas, “ang buong sanlibutan ay nakalugmok sa kapangyarihan ng balakyot,” gaya ng sinasabi ng Salita ng Diyos. Ang buong balakyot na sanlibutan at lahat ng nagtitiwala rito, oo, lahat ng tumutulad sa mga paraan nito, ay dapat mawala.​—1 Juan 5:19; 2:15-17.

16 Mula sa itaas hanggang sa ibaba, ang daigdig na ito ay punô ng kabulukan. Hindi lamang ang kilalang mga kriminal kundi ang karaniwang mga mamamayan ay nagpapakita ng kawalang galang sa batas at kawalang malasakit sa mga tao at pag-aari ng kanilang kapuwa. Higit sa lahat, ayaw nilang pakinggan kung ano ang sinasabi ng Diyos mismo sa kaniyang Salita, ang Bibliya. Hindi nila iginagalang ang kaniyang pagkasoberano. Kinakailangang kumilos ang Diyos upang alisin ang kasiraan na dinala nito sa kaniyang pangalan, gayundin upang ihanda ang daan upang gawing isang Paraiso ang lupa kung saan ang mga umiibig sa katuwiran ay magtatamasa ng tunay na kapayapaan at katiwasayan.

17. (a) Magiging gaano kalaki ang pagkapuksa? (b) Sino ang mangangasiwa sa kalalabasan?

17 Pagdating ng pagpuksa, walang alinlangan na ito ay mula kay Jehova. Ang kagibaan ay sasakop sa buong globo. Malalaman ng mga bansa na si Jehova ay kumikilos habang ang kaniyang mga puwersa sa pagpuksa ay kumikilos. Samantalang gumuguho ang awtoridad ng mga pamahalaan, ang kamay ng bawat tao ay magiging laban sa kaniyang kapuwa. Mula sa langit, pangangasiwaan ng Anak mismo ng Diyos ang kahihinatnan.​—Apocalipsis 6:16, 17; 19:11-13; Zacarias 14:13.

18. Sino ang mga makaliligtas?

18 Di-gaya ng mga resulta ng digmaang nuklear na ipinakipagdigma ng mga tao, ang pagkapuksang ito ay may pinipili. Subalit sino ang mga makaliligtas? Sila ba ay lahat niyaong nagsasabing kabilang sa isang relihiyon, o marahil ay nag-aangkin na mga Kristiyano? Tinatatakan ni Jesus ang “marami” sa gayon na “mga manggagawa ng katampalasanan.” (Mateo 7:21-23) Ang mga makaliligtas tungo sa “bagong lupa” ay yaon lamang talagang nilinang ang isang malapit na kaugnayan kay Jehova at sa kaniyang makaharing Anak, si Kristo Jesus. Sa paraan ng kanilang pamumuhay at ng kanilang pagpapatotoo sa Kaharian, ipakikita nila na talagang sila ay “kumikilala sa Diyos” at na sila ay “sumusunod sa mabuting balita hinggil sa ating Panginoong Jesus.” Pinatutunayan mo ba ang iyong sarili na gayon?​—2 Tesalonica 1:8; Juan 17:3; Zefanias 2:2, 3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share