Pahina Dos
Taun-taon, nakakaharap ng angaw-angaw na mga babaing nagdadalang-tao ang mahirap na pasiya: ‘Dapat ko bang isilang ang aking sanggol, o dapat ba akong magpalaglag?’
Paano minamalas ng mga tao sa buong daigdig ang suliraning ito? Anong halaga ang ibinabayad sa emosyonal na paraan kung ang napili ay magpalaglag? Mayroon bang tama at mali sa bagay na ito?