Mga Gawang Kabaitan ay Nagdadala ng Kagalakan
Hindi pa natatagalan tinanggap ng mga tagapaglathala ng Ang Bantayan ang sumusunod na liham:
“Mahal na Ginoo:
“Noong nakaraang buwan sa Philadelphia ang aking tin-edyer na anak na babae ay nanakawan ng kaniyang pitaka mula sa kaniyang bag na isinasakbat sa likod. Noong nakaraang linggo ay tumanggap siya ng isang pakete na naglalaman ng kaniyang pitaka at ng kaniyang lisensiya at iba pang mahalagang mga kard. Ang pakete ay ipinadala ng isang tao na ayaw magpakilala, maliban na lamang na ang pakete ay naglalaman din ng isang kopya ng inyong publikasyong Ang Bantayan. Sinuman ang nagpakita ng pag-ibig kapatid na ito (mula sa lunsod ng pag-ibig kapatid) ay nag-abala at gumastos pa upang ibalik ang pitaka sa aking anak. Ako at ang aking pamilya ay nagpapasalamat sa mabait na taong ito . . . ito ay isang dakilang paraan upang ‘magpatotoo,’ lalo na sa aking mga anak na tin-edyer (3 sa kanila).”
Ang pagbabasa ng Ang Bantayan ay kapaki-pakinabang na nakaapekto sa buhay ng angaw-angaw, nililinang sa kanila ang mga katangian ng katapatan, kabaitan, at konsiderasyon. Ngayon mahigit na 12 milyong kopya ng bawat labas ang inililimbag sa mahigit na 100 wika. Tatanggap ka ng isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan, dalawang beses ang labas sa isang buwan, sa pagsagot lamang at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon, pati ang ₱60.
Pakisuyong padalhan ako ng Ang Bantayan. Ako’y naglakip ng ₱60.