Pahina Dos
Sa nilakad-lakad ng mga dantaon, angaw-angaw na mga panalangin ang binigkas ukol sa kapayapaan.
Marahil wala nang higit na pambihira kaysa roon sa inihandog ng mga pinuno ng relihiyon ng daigdig sa Assisi, Italya, noong dakong huli ng 1986.
Ano ang nangyari roon? Mahalaga ba ang pagtitipong iyon? Ang mga tao ba na kaugnay sa mga relihiyong iyon ay nakinig at kumilos na kasuwato ng mga panalangin?
Nakinig ba ang Diyos?
Sinusuri ng isang kabalitaan ng Gumising! sa Italya ang mga katanungang ito sa sumusunod na mga artikulo.