Nakikinig Habang Sila’y Nagtatrabaho
SINABI ng may-ari ng isang tindahan ng mga tela sa isang parokyano ang tungkol sa kaniyang intensiyong bumili ng ilang tape tungkol sa Bibliya. Iminungkahi ng parokyano ang mga tape ng New World Translation of the Holy Scriptures. Itinanong ng may-ari ng tindahan kung maaari bang ipahiram sa kaniya ang isa sa mga tape upang mapakinggan niya ito.
Nang malaunan, pagkatapos mapakinggan ang tape, ang may-ari ng tindahan ay humiling: “Pakisuyong ipidido mo ako ng set mula sa Mateo hanggang Apocalipsis, at,” sabi pa niya, “pakisabi mo sa kung sinuman ang namamahala sa paggawa nito na ang pagbigkas ang pinakamahusay na napakinggan ko.” Ipinaliwanag ng babae na siya at ang kaniyang mga anak na babae ay nakinig sa tape habang sila’y nagtatrabaho sa tindahan at silang lahat ay totoong nasiyahan dito.
Ikaw man ay maaaring makinabang mula sa mga tape na ito tungkol sa Bibliya. Ang album, kompletong “Bagong Tipan” mula sa Mateo hanggang Apocalipsis (18 cassettes, sa Ingles lamang), ay ₱450. Makukuha rin ang dalawang album ng “Matandang Tipan,” ang una ay mula Genesis hanggang Ruth sa 18 mga cassette at ito’y ₱450; ang ikalawang album ay mayroong 21 mga cassette na naglalaman ng Unang Samuel hanggang Mga Awit at nagkakahalaga ng ₱500.
Pakisuyong markahan ang sumusunod na mga kahon kung aling mga album ng mga cassette ang nais mo at ipadala ang kaukulang halaga.
[ ] Ako’y naglakip ng ₱450 para sa album ng “Bagong Tipan.”
[ ] Ako’y naglakip ng ₱450 para sa album ng Genesis hanggang Ruth.
[ ] Ako’y naglakip ng ₱500 para sa album ng Unang Samuel hanggang Mga Awit. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon.)