Pahina Dos
Ang kamatayan ay isang kaaway; kinukuha nito ang ating mga mahal sa buhay. Isa itong di-kanais-nais na paksa. Gayunman, ang ating pangmalas sa kamatayan ay nakakaimpluwensiya nang malaki sa paraan ng ating pamumuhay. Kung malalaman lamang natin kung ano ang nangyayari pagkamatay natin, makatutulong ito sa atin upang maunawaan nang higit ang layunin ng buhay. Sa susunod na mga artikulo, sinusuri ng kabalitaan ng “Gumising!” sa Britaniya ang katanungang, Ano ang nangyayari pagkamatay natin?