Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 7/8 p. 3
  • Ang Malaking Misteryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Malaking Misteryo
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Nangyayari Kapag Namatay Tayo?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Bakit Tayo Natatakot sa Kamatayan?
    Gumising!—2007
  • Isang Masusing Pagsusuri sa Ilang Haka-haka Tungkol sa Kamatayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Ano ang Iyong Pangmalas sa Kamatayan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 7/8 p. 3

Ang Malaking Misteryo

‘KUNG personal na matatanong mo ang Diyos ng anumang katanungang nais mo, ano ang itatanong mo?’ Isinisiwalat ng isang surbey kamakailan sa Inglatera na 31 porsiyento niyaong mga kinapanayam ay nagnanais malaman: “Ano ang nangyayari pagkamatay natin?”

Kung bibigyan ng pagkakataon, itatanong mo ba iyan?

Ang kamatayan “ay isang bagay na alam natin, at naibabahagi natin ang kaalamang iyan sa kaninuman na nabubuhay,” sulat ng mananaliksik na si Mog Ball sa Death. Balintuna, gayunman, gaya ng sabi pa ni Ball, “sa pagitan ng karaniwang mga tao ito ay hindi pinag-uusapan. Ang kamatayan ay isang bagay na hindi mo ipinakikipag-usap sa mga taong hindi mo lubusang nakikilala.”

Sa katunayan, ayaw pa ngang pag-isipan ng maraming tao ang tungkol sa kamatayan. Gaya ng sabi ng The World Book Encyclopedia: “Karamihan ng mga tao ay natatakot sa kamatayan at sinisikap na iwasan ang pag-iisip tungkol dito.” Ang takot na ito sa katunayan ay isang takot sa isang bagay na hindi nalalaman sapagkat ang kamatayan, para sa karamihan ng mga tao, ay isang misteryo. Kaya kapag may namatay, ginagamit ng mga tao ang salitang gaya ng “yumaon,” “pumanaw,” at “namatay” o kahawig na mga salita. Subalit yamang nakakaharap nating lahat ang kamatayan, hindi ba tayo maaaring maging mas espisipiko sa paglalarawan kung ano ang nangyayari sa atin pagkamatay natin?

Ang mga taong mapag-alinlangan ay magsasabi na tayo’y nagtatanong ng may pasubaling mga katanungan, na ito ay basta isang paniniwala. Gaya ng pagkakasabi rito ng Encyclopædia Britannica: “Ang kamatayan ay hindi buhay. Kung ano ito, gayunman, ay maaaring sapantaha lamang.” Gayunman, ang awtoridad ding iyon ay nagsasabi: “Ang paniniwala na ang mga tao ay nakaligtas sa ilang anyo ng kamatayan ay lubhang nakaimpluwensiya sa mga kaisipan, emosyon, at pagkilos ng sangkatauhan. Ang paniniwala ay nangyayari sa lahat ng mga relihiyon, noong nakalipas at sa kasalukuyan.

Anu-anong anyo ang mga paniniwalang ito? Ito ba’y nagbibigay ng tunay na liwanag tungkol sa kung ano ang nangyayari sa atin pagkamatay natin, o ang kamatayan ba ay nananatiling isang misteryo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share