Pahina Dos
Para sa karamihan ng mga tao sa lupa, ang sagot sa tanong na, “Sa aling relihiyon ka kaanib?” ay napagpasiyahan na sa pamamagitan ng mga pangyayaring naganap noong nakalipas. Ang pulitikal na intriga, relihiyosong mga digmaan, at paglawak ng kolonya mga dantaon na ang nakalipas ay nagbago sa relihiyosong mapa ng daigdig.
Subalit ang isa bang konkistador, isang prinsipe, o isang emperador na nabuhay daan-daang taon na ang nakalipas ang dapat magpasiya kung aling relihiyon ang iyong pinaniniwalaan? Ang iyo bang relihiyosong mga paniniwala ay dapat maapektuhan ng biglang mga pagbabago sa kasaysayan at ng dakong sinilangan?