Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 9/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nanganganib na mga Bata
  • Magnetikong Pagbabagu-bago
  • Atrasadong Rikonosi
  • Mas Malalaking Alon
  • Ang Malalakas Uminom ng Italya
  • Kaigtingan ng Sanggol
  • Mga Maibigin sa Hayop o mga Tagapag-alaga
  • Magtungo sa Langgam
  • Pawang Katotohanan?
  • Buhay ng Pusa
  • Pag-abuso sa Alak at ang Kalusugan
    Gumising!—2005
  • Ipakipag-usap sa Iyong Anak ang Tungkol sa Alak
    Tulong Para sa Pamilya
  • Pag-abuso sa Alak—Kapaha-pahamak sa Lipunan
    Gumising!—2005
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 9/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Nanganganib na mga Bata

Ang mga magulang na nagpapahalaga sa mental at emosyonal na kalusugan ng kanilang mga anak ay dapat pangalagaan sila mula sa nakapipinsalang mga programa sa TV, babala ni Dr. Gerard Lesser, isang pandaigdig na awtoridad sa sikolohiya ng bata. Sang-ayon kay Lesser, hindi makilala ng murang isip ng mga kabataan ang kathang-isip sa totoo sa nakikita nila sa TV. Ang report sa Evening Herald ng Dublin ay nagsasabi: “Ang karahasan sa mga palabas na cartoon at agresibong mga pamamaraan ng pag-aanunsiyo sa TV at ang mga programang pambata na gaya ng space cartoons ay masama rin sa mahinahong-magsalitang dalubhasa.” Siya’y nagbabala na ang araw-araw na panonood ng telebisyon ay katulad na rin ng pagpapasyal sa mga bata sa mga lansangan ng Belfast o Beirut.

Magnetikong Pagbabagu-bago

Ang magnetikong larangan ng lupa ay laging apektado ng radyasyon ng araw. Ang mga siklab ng araw at magnetikong mga bagyo na dala ng sunspots ay maaaring pagmulan ng mga pagkakamali sa compass ng mga ilang antas. Kaya, ang araw-araw na pagsubaybay sa magnetic headings ay maaaring magbigay ng hudyat sa anumang malubhang pagbabago para sa nabigasyon sa hangin at dagat. Mga tantiya tungkol sa magnetikong gawain ay inihahanda ng mga geopisiko sa British Geological Survey sa Edinburgh, Scotland, para sa potensiyal na gamit nito sa industriya, komersiyo, at militar. Ang The Times ng London ay sumisipi kay Dr. David Kerridge, isang membro ng pangkat ng mananaliksik sa Edinburgh na nagsasabi na “ang kuryenteng nagagawa ng mga pagbabagu-bago sa magnetikong larangan ay baka makapinsala o makasira sa mga linya ng telepono, sa mga kable ng telebisyon, sa elektronikong mga aparato, sa awtomatikong mga hudyat sa perokaril.”

Atrasadong Rikonosi

Ang “sinaunang mga Ehipsiyo ay dumanas ng gayunding mga sakit at mga pinsala na sumasalot sa modernong tao,” sabi ng The Wall Street Journal. Paano nalaman ito? “Sa pamamagitan ng paggamit ng CT (computed tomography) scanners. Ang mga scanner ay kumukuha ng kros-seksiyonal na kuha [ng nakabalot na momiya] na parang mga hiwa ng tinapay, na itinatayong-muli ng mga computer bilang isang tatluhang-dimensiyon na larawan ng momiya sa loob.” Ang pag-aalis sa balot ng mga momiya at paggawa ng awtopsiya ay nangangahulugan ng pagsira sa mga ito. At ang mga X ray, bagaman gumaganang maigi sa mga buto, ay hindi naglalabas ng malinaw na mga larawan ng mas malambot na mga himaymay ng katawan. Sa pamamagitan ng mga scanner, narikonosi ng mga doktor ang mga tumor, bato sa apdo, diabetes, paninigas ng mga arteriya, mga parasito, mga bali sa buto, at iba pang mga karamdaman. Subalit “para sa mga pasyenteng ito,” sabi ni Journal, “rikonosi ay atrasado na ng 3,000 taon.”

Mas Malalaking Alon

Ang mga alon sa hilagang-silangang Atlantiko ay palaki nang palaki. Sa nakalipas na 25 taon ang sukat ng alon sa timog-kanlurang dulo ng Inglatera ay nagsisiwalat ng isang katamtamang paglaki sa taas na 25 porsiyento, ulat ng babasahin sa siyensiya na Nature. Gayunman, hindi alam ng mga siyentipiko kung bakit nagkakagayon. Pagkatapos alisin ang maling mga sukat at mga pagbabago sa lagay ng panahon, ganito ang sabi ng isang mananaliksik: “Walang maliwanag na dahilan.” Ang mga epekto, gayunman, ay maliwanag. Bagaman maaaring naiibigan ng mga surfer sa kahabaan ng baybayin sa Corwall sa Inglatera ang mas matataas na alon, nakikinikinita naman ng industriya ng langis at gas ang mas malaking pagkakagastos dahil sa mas mataas at mas matibay na mga panghukay at plataporma sa dagat ang kakailanganin upang matagalan ang paghampas ng mas malalaking alon.

Ang Malalakas Uminom ng Italya

Tinutukoy ang mga inuming nakalalasing, ang Il Corriere della Sera, isang pahayagan sa Milan, ay nag-uulat na “mahigit na limang milyong mga Italyano ang umiinom ng doble sa dami ng itinuturing na katamtaman.” Sang-ayon sa WHO (World Health Organization), ang araw-araw na kunsumo ng alak para sa mga lalaki ay hindi dapat sumobra sa animnapung gramo (nilalaman ng halos apat na baso ng alak o ng isa’t kalahating litro ng beer), at tatlumpung gramo para sa mga babae. Maraming dalubhasa ang nagrirekomenda na ang mga babae ay lubusang umiwas sa alak sa panahon ng pagdadalang-tao. Gayunman, tinatayang 9.2 porsiyento ng populasyon sa Italya ang kumukunsumo ng mga higit sa 120 gramo ng alak araw-araw! Ang gayong tantiya ay naglalagay sa Italya sa ikalawang puwesto sa Europa at ikawalo sa daigdig sa pagkunsumo ng alak. Ang gayong pagpapakalabis ay sinasabing siyang may pananagutan sa 30 porsiyento ng mga nauospital sa Italya. Isa pa, sinasabi ng WHO na ang pag-abuso sa alkohol ang kasangkot sa 40 porsiyento ng mga aksidente sa lansangan, 50 porsiyento ng mga pagpatay sa kapuwa, at 25 porsiyento ng mga pagpapatiwakal, at 20 porsiyento ng mga aksidente sa trabaho at sa tahanan.

Kaigtingan ng Sanggol

Iniugnay ng mga mananaliksik sa University of Wisconsin sa Estados Unidos ang maigting na mga pangyayari na gaya ng pagkahiwalay sa mga magulang sa maagang pagkasanggol sa mga karamdaman na gaya ng hika, arthritis, at leukemia. Sang-ayon sa report sa magasing American Health ang, sikologong si Christopher Coe ay “nagmumunakala na ang paghiwalay sa mga magulang ay maaaring magkaroon ng negatibong resulta sa mga musmos na bata” at “maaaring pagmulan ng pagsugpo sa imyunidad.” Iminungkahi niya na “kahit na ang pangangalaga sa day care para sa mga sanggol na wala pang anim na buwang gulang ay maaaring maging isang panganib.” Si Dr. Coe ay naghinuha na “upang palakasin ang kalusugan, dapat nating sikaping paunlarin ang emosyonal na katatagan sa ating mga anak.”

Mga Maibigin sa Hayop o mga Tagapag-alaga

Sa Britaniya ang labanan ng aso ay nagiging popular kahit na ito ay ipinagbawal mga isang daang taon na, sabi ng RSPCA (Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals). Dahil sa hindi kukulanging isang isinaayos na labanan sa bawat dulo ng sanlinggo, kadalasang kinasasangkutan ng mga asong American pit bulls o Staffordshire bullterriers, ang Britaniya ay mabilis na nagpapasinungaling sa pag-aangkin nito bilang isang bansa ng maibigin sa mga hayop. Sa halip, “tayo ay isang bansa ng mga tagapag-alaga ng mga hayop,” giit ng inspektor ng RSPCA na si Charles Marshall, at ang sabi pa na ang hilig sa higit pang pagmamalupit sa hayop ay isang “tanda ng malupit na panahong kinabubuhayan natin. Malupit ang mga video, malupit ang panahon.”

Magtungo sa Langgam

Ang mga tao ay nagtutungo sa mga langgam sa mga panahong ito hindi lamang para sa karunungan​—kundi upang maging malusog at mayaman din naman. “Nasumpungan ng [mga naghahanap] na ang mga puting langgam, o mga anay, ay maaaring umakay sa kanila sa mahalagang mga metal na nasa ilalim ng lupa,” sabi ng The Daily Yomiuri ng Tokyo. Paano? Habang ang mga insekto ay naghuhukay sa ilalim upang humanap ng tubig, dinadala nila ang lupa sa ibabaw. Ang pagsusuri sa resultang mga punso ay umakay sa mga naghahanap sa mga mineral na nasa ilalim ng lupa. Isang magsasaka sa Timog Aprika ang iniulat na nakapansin ng mumunting mga kislap ng liwanag na nababanaag mula sa isang punso. Ipinakita ng pagsusuri na ang pinagmumulan nito ay mga mumunting rubi, na umakay sa kaniya sa isang malaking kayamanan ng mga brilyanteng nakabaon sa ilalim. Sa Tsina, gayunman, ang interes ay sa mga insekto mismo. “Ang mga Intsik na dalubhasa sa kalusugan,” sabi ng Asiaweek, “ay nagsasabi na ang pulbos na buhat sa masipag na mga insekto ay makagagamot sa rheumatoid arthritis at sa marami pang ibang sakit.” Ang pinulbos na mga kinapal ay sinasabing mayaman sa protein at zinc. Karagdagan pa, “ang mga pagawaan ng alak sa Lalawigan ng Peking at Jiangsu ay gumagawa ng mga toniko mula sa langgam sa loob ng mga ilang taon na,” sabi ng ulat.

Pawang Katotohanan?

Sa hukumang Britano siyam sa sampung mga nasasakdal ang nagsisinungaling, sabi ni John Hosking, tagapangulo ng Samahan ng mga Mahistradong Britano. Gayunman, ang lahat ay sumusumpa na magsasabi ng katotohanan sa isang relihiyoso o sekular na sumpa. Ang mga tagapagtaguyod at mga laban sa mga panunumpa sa Bibliya o sa iba pang banal na aklat ay umaamin na ang gayong pagsumpa ay hindi nakahahadlang sa pagsisinungaling. Sang-ayon sa The Independent ng London, kahit na yaong mga pabor sa pagpapanatili ng relihiyosong mga sumpa ay naniniwala na ito ay nagbibigay lamang sa mga sumusumpa ng “pagkakataon ng huminto at mag-isip tungkol sa kataimtiman ng kanilang ginagawa.” Bakit ang gayong kakulangan ng katapatan? Sang-ayon kay Hosking, “may panahon nang ang mga tao ay may takot sa Diyos at inaakala nila na sila’y parurusahan kung sila’y magsisinungaling. Subalit iyan ay umuunti na sa ngayon.”

Buhay ng Pusa

Nubenta porsiyento ng mga pusang ginamot sa Lunsod ng New York dahil sa tinatawag na “high rise syndrome,” pagkahulog ng mga ilang palapag tungo sa semento, ay nakaligtas. Sang-ayon sa Journal of the American Veterinary Medical Association, pinalabas ng mga beteneraryo ang isang pusang akrobat 48 oras pagkatapos na ito ay mahulog ng 155 metro (mga 32 palapag) na nagbunga ng ilang maliit na pinsala lamang. Ano ang dahilan ng gayong pambihirang kahanga-hangang gawa? Binabanggit ng mga dalubhasa sa medisina ang kakayahan ng pusa na irelaks ang mga kalamnan nito upang mga paa nito ay mabanat nang pahalang. Pagkatapos, sa paraang gaya ng parakaida, ang hayop ay bumababa taglay ang pinakamalaking unat ng katawan nito, na kumikilos bilang isang air brake at binabawasan ang epekto ng bagsak. Isang repleksong gyroscopic ang tumutulong sa hayop na bumagsak sa apat na paa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share