Pahina Dos
“Ang Tahimik na mga Kagipitan”
Gayon inilarawan ni James P. Grant, ehekutibong direktor ng UNICEF (United Nations International Children’s Emergency Fund), ang tahimik na kamatayan ng angaw-angaw na mga bata sa Third World. Gayunman, tinukoy niya hindi ang mga nasawi sa balitang-balitang taggutom sa Aprika, kundi ang mga biktima ng tahimik na kalamidad: kamatayan dahil sa malnutrisyon, hindi dahil gutom: kamatayan dahil sa naubusan ng tubig sa katawan, hindi dahil sa uhaw; kamatayan dahil sa sakit, hindi dahil sa tagtuyot.
Bakit nagpapatuloy ang gayong malungkot na sakuna? Ano ang magagawa ng mga magulang upang pangalagaan ang kanilang mga anak? Nililiwanag at inaalam ngayon ng Gumising! ang mga katanungang ito.
[Picture Credit Line sa pahina 2]
WFP/FAO kuha ni B. Imevbore