Pahina Dos
Ang malulusog na tao ng lahat ng gulang ay maaaring magkaroon ng AIDS, ang nakatatakot na salot na lumaganap na sa buong daigdig. Sa ilang lugar ito na ngayon ang numero unong problema sa kalusugan para sa nakababatang mga adulto. Marahil may nakikilala kang mayroong AIDS.
Ang AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang kalagayan kung saan sinisira ng isang virus ang sistema imyunidad ng katawan, ginagawa itong walang laban sa impeksiyon.
Gaano na ba kalaganap ang AIDS ngayon? Paano nangyari iyon? Naiiwasan ba ang AIDS?