Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 11/22 p. 23
  • Ang Pagsasalita ay Nagpapataas sa Presyon ng Dugo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagsasalita ay Nagpapataas sa Presyon ng Dugo
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Alta Presyon—Paghadlang at Pagkontrol
    Gumising!—2002
  • Panggigipit ng Kasamahan—Talaga Bang Gayon Ito Kalakas?
    Gumising!—2002
  • Kung Paano Haharapin ang Panggigipit
    Gumising!—2014
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 11/22 p. 23

Ang Pagsasalita ay Nagpapataas sa Presyon ng Dugo

“ANG basta pagsasalita​—kahit na hindi nagagalit, o natatakot, kundi basta pagsasalita​—ay waring nagpapataas sa presyon ng dugo,” ulat ng magasing “Aviation Safety.” Binabanggit din nito na yaong tumataas ang presyon ng dugo o naggagamot upang sugpuin ito ay lalo nang madaling tablan. Sa katunayan, sa lahat ng tao “ang pagtaas ng presyon ay maaaring mula sa 10 hanggang sa 50 porsiyento.” At kataka-taka pa ay ang bagay na “ang mga kaugnayang ito sa pagtaas sa presyon ng dugo ay totoo rin sa mga bingi na nagsasalita sa pamamagitan ng mga senyas.”

Sang-ayon sa report, ito’y nangangahulugan na kahit na ang kaunting pagsasalita samantalang kinukuha ng doktor ang iyong presyon ng dugo ay nagpapataas sa presyon ng dugo. Totoo, ang gayong pagsasalita “ay upang maging palakaibigan at nakapagpaparelaks,” subalit ito ‘ay aktuwal na nagpapataas sa presyon ng dugo.’ Sa kabilang dako, “ipinakikita ng mga pag-aaral na ang pakikinig ay nakakatulong upang bumaba ang presyon ng dugo.” Maliwanag, ang payo ng Diyos sa Kawikaan 21:23 ay nagbubunga hindi lamang ng mas mabuting mga kaugnayang panlipunan kundi ng mga pakinabang din sa katawan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share