Nanganganib na mga Bata?
GAANO karami ang napupulot ng bata mula sa isang komersiyal sa telebisyon? Napakarami, sang-ayon sa pedyatrisyang si Dr. Percy Barsky ng Winnipeg, Canada. Natanto niya ito, sabi ng “The Toronto Star,” nang sabihin kay Barsky ng isang tatlong-taóng-gulang na nais niya ng “ultimong sandata” para sa Pasko. Bunga nito, nais ipagbawal ng Public Action for Children’s Television ang lahat ng pag-aanunsiyo ng laruan sa telebisyon. Ang “mararahas na laruan” ay maaaring magbunga ng karahasan, sabi ni Barsky. Iniuulat ang isang surbey na isinagawa ng Cancer Research Campaign sa Glasgow, Scotland, ang “The Times” ay nagsasabi: “Ang mga batang kasimbata ng anim na taon ay higit na naiimpluwensiyahan ng pag-aanunsiyo ng sigarilyo kaysa inaakala ng mga adulto.” Sa kapuwa mga kaso ang mga panganib ay maliwanag, subalit nasaan ang lunas? Tiyak na nasa mga magulang, na may pangwakas na pananagutan sa kapakanan ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsubaybay sa kung ano ang ipinahihintulot sa kanila na panoorin nila sa telebisyon.