Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 12/22 p. 32
  • ‘Hinango Ako Nito sa Matinding Panlulumo’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Hinango Ako Nito sa Matinding Panlulumo’
  • Gumising!—1988
Gumising!—1988
g88 12/22 p. 32

‘Hinango Ako Nito sa Matinding Panlulumo’

Isang babae buhat sa Inglatera ang sumulat:

“Mahal na Ginoo:

“Noong Pebrero ako ay pumidido ng inyong cassette album ng My Book of Bible Stories, at bagaman ako ay isang espirituwalista, pagdating nito ako ay labis na humanga rito. Kalalabas ko lamang sa ospital pagkatapos ng isang malaking operasyon at ako’y naratay sa higaan na nalulungkot at nanlulumo. Kaya nang dalhin sa akin ng asawa ko ang balutan, ipinasiya kong patugtugin ang mga tape na sinasabayan ng basa sa aklat.

“Talagang hinango ako nito sa aking matinding panlulumo, at sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng sampung araw aktuwal na nakadama ako ng interes sa aking paligid. Nang dumalaw ang aking mga apo (6 at 8 taon), ipinarinig ko ito sa kanila, at tuwang-tuwa sila sa bahaging napakinggan nila anupa’t ipinadala ko ito sa kanila sa bahay upang mapakinggan nila itong lahat. Maliwanag, yamang sila ay tumanggap ng napakalaking kasiyahan mula rito, tatanawin kong isang utang na loob kung inyo akong padadalhan ng isa pang set ng mga cassette tape at ng aklat upang maging kanila na iyon.”

Idinagdag pa niya ang pahabol na ito: “Sa buong buhay ko maraming beses ko nang sinikap na basahin ang Bibliya subalit hindi ako nasiyahan o naunawaan man ito. Gayunman napakalinaw na ipinaliliwanag ito ng mga tape na ito at ng aklat.”

Ikaw man ay maaaring tumanggap ng mga cassette tape na ito at ng aklat ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o kapuwa, sa pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng kulay kayumangging vinyl na album na may apat na mga cassette tape ng My Book of Bible Stories.

Lagyan ng tsek ang alinman o ang dalawa.

[ ] Ako’y naglakip ng ₱120.

[ ] Ipadala ang 256-pahinang may larawang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, na nilakipan ko ng ₱42.

Pakisuyong ipadala ang tamang halaga. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share