Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/8 p. 18-20
  • Nahihirapan Ka Bang Gumawa ng mga Pasiya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nahihirapan Ka Bang Gumawa ng mga Pasiya?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bawasan ang Iyong Kabalisahan
  • Mag-isip Nang Sistematiko
  • ‘Ngunit Ako’y Lito Pa Rin!’
  • Tangkilikin ang Iyong Pasiya!
  • Paano Ako Makakagawa ng Tamang Desisyon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Manampalataya—Magdesisyon Nang Tama!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Gumawa ng mga Desisyong Magpapasaya kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • ‘Tapusin ang Sinimulan Mo’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 2/8 p. 18-20

Nahihirapan Ka Bang Gumawa ng mga Pasiya?

“Gusto mo ba ito? Dapat ko kaya itong bilhin?” tanong ni Flora, habang idinidispley ang magandang itim na coat na kaniyang isinusukat. “Gusto ko iyan,” sabi ng kaibigan niyang si Anna, “ngunit nasa iyo ang pagpapasiya.” Dahil sa pag-aatubili, isinauli ni Flora ang damit na iyon sa sabitan nito at nilisan ang tindahan.

Wala pang 15 minuto silang nakakauwi nang ibulalas ni Flora ang, “Sana’y binili ko ang coat na iyon!” Bumalik sila sa tindahan kinabukasan, subalit huli na ang lahat. Wala na ang damit​—nabili na ng iba.

KAPAG napapaharap ka sa isang personal na pagpapasiya, hirap-na-hirap ka bang nakikipagpunyagi, ipinagpapaliban ito, at sa bandang huli’y hinihiling ang iba na magpasiya para sa iyo? At matapos na magawa ang pasiya, patuloy ka bang nag-iisip kung naging mas mabuti kaya ang ibang pasiya? Kung gayon, marahil ay katulad ka ng nabanggit sa itaas na karanasan ni Flora. Alam mo kung gaano kahirap ang paggawa ng pasiya.

Gayumpaman, maaari mong matutuhan ang mas madali at maalwang paggawa ng mga pasiya. Papaano?

Bawasan ang Iyong Kabalisahan

Kapag nagsisikap gumawa ng isang pasiya, nababalisa ka bang gumawa ng tamang pagpili, na para bang isang pagpili lamang ang magtatagumpay? Kung gayon, masisiyahan kang malaman na hindi naman ito laging kailangan. Sa aklat na Overcoming Indecisiveness, ni Dr. Theodore Isaac Rubin, idinidiin niya: “Halos lagi namang sa nagpapasiya at hindi sa partikular na napili nakasalalay ang tagumpay ng isang pasiya. . . . Ang kabiguan ng isang pasiya ay may kaunti o walang kinalaman sa pagpili. Ang kabiguan ay tuwirang matutunton at kasukat ng kakulangan ng pagkanaalay sa gawain.”

Oo, kadalasan, ang isang pagpili ay maaaring magtagumpay kung ito’y mahigpit na itinataguyod. Kaya buong-pusong tangkilikin ang napagpasiyahan. Babawasan nito ang malaking tensiyong kaagapay ng paggawa-ng-pasiya.

Ngunit paano mo nga ba aktuwal na gagawin ang pasiyang iyon?

Mag-isip Nang Sistematiko

Mahalaga ito, lalo na kung ikaw ay nakikitungo sa isang pasiyang pangmatagalan: paggawa ng mahalagang pamimili; pagpili ng bahay, ng isang karera, ng magiging kabiyak. Paglabanan ang anumang hilig na hayaan ang iyong isip na mag-alala tungkol sa isang kaisipan tungo sa iba pang bagay. Una, tipunin ang lahat ng impormasyong kailangan mo. Pagkatapos, sa isang papel, ilista mo ang iyong mga pagpipilian. Kunin ang bawat pagpipilian, itala ang mga bentaha at disbentaha nito, ihambing ang mga ito sa iyong mga pangangailangan. Kung kilalâ mo ang iyong sarili​—ang iyong personal na mga pagkakagusto, pamantayang moral, prayoridad, lakas, at mga kahinaan​—nasa kalagayan ka upang makita kung aling pagpili ang makasasapat sa iyong pinakamahahalagang pangangailangan.

Malibang mapaharap ka sa isang kagyat na deadline, huwag magmadali at hayaang lumitaw ang inyong tunay na mga damdamin. Kung mamadaliin ang pamamaraang ito ang iyong mga pakultad sa paggawa-ng-pasiya ay mapipigil. Sa katunayan, ang paggugol ng ilang araw, linggo, o marahil mga buwan pa nga na isinasaisip ang bawat pagpili, nang isa-isa, ay maaaring maging kasiya-siya. Sabi ni Dr. Harold H. Bloomfield: “Akala ng karamihan ang pagkabalisa, pag-aalala, at tensiyon ay hindi maiiwasan habang sila’y nakikipagpunyagi sa isang problema o pasiya.” Ngunit hindi mo kailangang ipagpaliban ang kaligayahan hanggang hindi ka pa nakapagpapasiya. Maaari kang masiyahan sa mismong pamamaraang ito ng paggawa ng pasiya. Ito’y bahagi ng buhay na kapuwa may hamon at ganti.

‘Ngunit Ako’y Lito Pa Rin!’

Ngunit paano, kung pagkatapos mong bigyan ng sistematikong pag-iisip ang iyong mga pagpipilian, hindi ka pa rin makapagpasiya? Ano ang maaari mong gawin? Dapat ka bang humingi ng tulong sa isang kaibigan?

Ang ibang tao, walang kompiyansa sa sarili, ay laging ibig na iba ang magpasiya para sa kanila. Siyempre pa, kung ika’y nakikitungo sa isang bagay na humihiling ng higit sa lawak ng iyong kaalaman at karanasan, kung gayon ang iyong paghingi ng payo mula sa isang kuwalipikadong tao ay hindi naman pagbibitiw ng pananagutan. Ang iba na matagumpay na nakagawa ng mga pasiyang kahawig ng sa iyo ay maaaring makapaglaan ng karagdagang mga pagpipilian at impormasyon na makatutulong sa iyo. (Kawikaan 15:22) Gayumpaman, seryosong isasaalang-alang ng taong hinihingan mo ng tulong ang iyong kahilingan kung patiunang pinag-isipan mo ang mga bagay-bagay sa abot ng iyong makakaya.

Kung ang paggawa ng huling pagpili ay mahirap, alalahananin na ang paggawa ng pasiya ay lagi nang nagsasangkot ng mga panganib. Kung takot kang gumawa ng pagpili hanggang sa nakatitiyak ka ng tagumpay, mananatili kang nag-aatubili, sapagkat karamihan sa mga pagpapasiya ay kasangkot ang kawalang katiyakan at nararapat na gawin salig sa probabilidad. (Eclesiastes 11:4) Kadalasan, wala namang isang pagpili na nagtataglay ng lahat ng bentaha. Anuman ang pagpiling gawin mo, mayroon kang dapat isakripisyo. Kaya gawin mo ang pagpili na siyang pinakamahusay, at . . .

Tangkilikin ang Iyong Pasiya!

Labanan ang tuksong pag-alinlanganan ang pasiya kapag ito ay nagawa na. Tandaan, tuwing iisipin mo ang mga ‘siguro dapat sana ay,’ ninanakawan mo ang iyong sarili ng lakas na maaaring gamitin upang suportahan ang iyong pasiya upang iyon ay umubra. Kaya huwag nang alalahanin pa ang nakaraan, iniisip-isip kung ano sana ang naging kahihinatnan ng mga bagay kung naging iba ang iyong pasiya. Malibang lumitaw ang malinaw na ebidensiya na kailangan ang pagbabago ng isip, kalimutan mo na ang mga inayawan mong mga pagpili. Ibigay ang iyong lakas sa iyong pasiya.

Upang buorin: Mag-isip nang sistematiko, piliin ang pinakamalamang na magtatagumpay, at suportahan ang pagpiling iyon nang buong-puso. Sabihin pa, ang ilan sa mga pasiya mo ay magiging mas mabuti kaysa iba. Gayumpaman, ang kakayahan at kompiyansa mo ay lalago habang tinatanggap mo ang pananagutan ng paggawa at pagtangkilik sa personal na mga pasiya.

[Kahon sa pahina 19]

ILANG SALIGANG MGA HAKBANG SA PAGGAWA-NG-PASIYA

1: Pagtatala at pagmamasid sa lahat ng mga posibilidad, mga opsiyon, o pagpili na kasangkot sa isyu

2: Pagpapahintulot ng malayang pagdaloy ng damdamin at kaisipan tungkol sa bawat isa sa posibleng mga pagpipilian

3: Pag-uugnay ng mga pagpili sa tatag nang mga prayoridad

4: Paggawa ng isang konklusyon sa pamamagitan ng paggawa ng isang pagpili at simulang iwaksi ang mga hindi napili

5: Pagsasangkot ng mga damdamin, kaisipan, panahon, at lakas at tapusin ang pag-aalis sa mga di-nagamit na mga opsiyon

6: Pagsasakatuparan ng pasiya sa isang optimistikong pagkilos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share