Pahina Dos
PINAGMASDAN mo na ba ang isang larawan mo noong ikaw ay bata pa at naisip mo, ‘Gaano nga kaikli ang buhay’? Naisip mo na ba, ‘Maaari kaya akong mabuhay nang mas mahaba kaysa inaasahan ko ngayon?’
Malaon nang hinangad ng tao ang mas mahabang buhay taglay ang kalusugan ng kabataan sa lupa. Subalit ang pag-asa bang iyon ay isa lamang mapagnais na saloobin? Isaalang-alang ang optimistikong palagay ng ilan, at suriin kung bakit may matitibay na dahilan para sa optimismo.