Aling Wika ang Sinasalita ng Pinakamaraming Tao?
Kung iniisip mo ang pinakapopular na internasyonal na wika, malamang na isasagot mo ay “Ingles” sa tanong na iyan. Gayunman, sang-ayon sa 1990 World Almanac and Book of Facts, ang Mandarin na Intsik, ay sinasalita ng 844 milyon katao, ang wikang sinasalita ng pinakamaraming tao. Ito’y maihahambing sa 437 milyon, nakakalat sa buong daigdig, na nagsasalita ng Ingles. Aling wika ang inaakala mong pangatlo sa liga ng daigdig? Pranses o Kastila? Hindi. Ito’y ang Hindi, sinasalita ng 338 milyong tao, karaniwan sa India. Ang Hindi at Urdu, na sinasalita ng 90 milyon, karaniwan sa Pakistan, “ay halos parehong wika, ang Hindustani,” sang-ayon sa publikasyon ring iyon.