Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 12/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGSULONG SA KAALAMAN?
  • WALANG PAANG MATAYUAN
  • POLUSYON SA MATAAS NA ALTITUD
  • GINTONG GUYA NA NASUMPUNGAN
  • MGA KAMALIAN SA AKLAT-ARALIN
  • DROGA SA BRAZIL
  • KAWALAN NG MALASAKIT?
  • PAGTANGGAP NG PAGKATALO
  • ISANG MALABONG UNIBERSO
  • BANGKO NG DUGO NA HINDI NAHAWAAN?
  • LUMALAGONG SULIRANIN SA BILANGGUAN
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaloob ng Buhay o Halik ng Kamatayan?
    Gumising!—1990
  • Pagsasalin ng Dugo—Gaano Kaligtas?
    Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?
  • Ang Tunay na Halaga ng Dugo
    Gumising!—2006
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 12/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

PAGSULONG SA KAALAMAN?

Sa halip na salinan ng dugo, ginamot kamakailan ng mga doktor sa Hapón ang isang anemik na sanggol na isinilang nang wala sa panahon ng erythropoietin, isang bagay na galing sa hormone na nagpapasigla sa paggawa ng pulang selula ng dugo. Ang sanggol ay tumitimbang lamang na 800 gramo pagsilang, at “ang anemia nito ay lumala hanggang sa kalagayang natural na mangangailangan ng pagsasalin ng dugo,” ulat ng pahayagang Asahi Shimbun. Gayunman, sapagkat ang mga magulang ng sanggol ay mga Saksi ni Jehova, sila’y tumangging salinan ng dugo ang kanilang sanggol. Kaya isinagawa ng mga doktor ang erythropoietin mula sa ika-39 na araw pagkapanganak dito. Sa loob lamang ng isang linggo ang pulang mga selula ng dugo ay dumami. Pagkatapos ang konsentrasyon ng hemoglobin ay tumaas din. “Bagaman ang dahilan sa kasong ito ay may kinalaman sa relihiyon,” sabi ng nangangasiwang doktor, “ang paggamot ay malamang na malawakang gamitin upang iwasan ang mga impeksiyon na dala ng pagsasalin ng dugo.”

WALANG PAANG MATAYUAN

Iginigiit ng mga ebolusyunista na ang mga ahas ay nanggaling sa bubuli, subalit nahihirapan silang ipaliwanag kung bakit nawala ng mga bubuli ang kanilang mga paa. Noong 1973 iginiit ng isang maimpluwensiyang pag-aaral sa Harvard University na ang mga ahas ay nanggaling sa mga bubuli upang magtipid ng enerhiya sa pamamagitan ng pagpapadulas sa halip na paglakad. Gayunman, kamakailan sinubok ng mga siyentipiko sa University of California, Irvine, ang teoriya. Sinangkapan nila ang ilang black racer na mga ahas ng maliliit na maskara ng oksiheno, inilagay ang mga ito sa mga treadmill, at sinukat kung gaano karaming enerhiya ang aktuwal na ginagamit sa pagpapadulas. Ang mga resulta: Ang mga ahas ay gumagamit ng katulad na enerhiya, o hanggang pitong ulit na higit, kaysa ginagamit ng mga bubuli sa paglakad sa magkatulad na layo.

POLUSYON SA MATAAS NA ALTITUD

Ang matataas-lumipad na mga eruplano ay malamang na lubhang malakas na tagapagparumi, sang-ayon sa pananaliksik na isinagawa sa Kanlurang Alemanya. Gaya ng iniulat sa magasing Austriano na Profil, ang mga tagapagparumi na gaya ng carbon monoxide, nitric oxide, at uling ay maaaring manatiling aktibo sa loob ng mga taon kapag inilabas sa taas na mahigit 10,000 metro, samantalang kung ito’y ibubuga sa lupa ay mabubulok sa loob ng ilang araw. Ang mga eruplanong sibilyan ay naglalabas ng mga 600,000 tonelada ng nitric acid sa bawat taon; ang mga eruplanong militar ay naglalabas na higit pa. Sa matataas na altitud, ang tubig mula sa combustion ng makina ng jet ay agad na nagyeyelo upang maging mataas-lumipad na mga ulap ng yelo at nitric acid. Ang mga ito ay lubhang pinaghihinalaang tumutulong sa pagsira sa mahalagang ozone layer ng planeta.

GINTONG GUYA NA NASUMPUNGAN

“Pinatutunayan ng isang pigurin ang kuwento ni Moises at ng idolatrosong mga Israelita,” sabi ng magasing Time. Hanggang ngayon, walang relihiyosong mga larawan ng guya ang nasumpungan sa mga kagibaan ng mga Canaaneo bago ang Pag-alis ng mga Israelita. Subalit noong Hunyo 1990, sa mga kagibaan ng sinaunang daungang lungsod ng Ashkelon, Israel, isang pangkat ng mga arkeologo ang nakahukay ng isang 12.5-centimetro-ang-haba na guyang yari sa tansong dilaw, tansong pula, at marahil ay sa tingga at pilak. Ang tansong dilaw ay maliwanag na binarnisan upang kumislap na parang ginto. Inaakala ni Lawrence Stager, ang direktor ng pangkat, na ang guya ay bumabalik pa sa petsang 1550 B.C.E., bago sinakop ng mga Israelita ang Canaan. Sinasabi ni Stager na ang guya ay maaaring ginamit sa pagsamba sa paganong diyos na si El o sa kaniyang anak na si Baal at na maaaring ito ay isang tipo ng gintong mga guya na binabanggit sa Bibliya.

MGA KAMALIAN SA AKLAT-ARALIN

Ang mga aklat-aralin sa siyensiya na ginagamit sa mga mababang paaralan sa E.U. ay punô ng nakahihiyang kamalian, reklamo ng dumaraming siyentipiko. Sang-ayon sa Newsweek, isang physicist ay nagsabi: “Ang mga aklat ay punô ng mga pagkakamali at ganap na naglalarawan nang pamali sa buong katangian ng siyensiya.” Ang ilang halimbawa: Ang grabidad ay hindi nakakaapekto sa isang astronot sa kalawakan. (Mali. Ano ang nagpapanatili sa isang astronot sa orbito kung walang grabidad doon?) Ang lamok ay kumakagat sa pamamagitan ng hulihan nito. (Maling-mali, gaya ng nalalaman ng sinuman na nakamasid sa isang lamok habang ito’y kumakagat.) Wari bang kakaunti sa mga aklat-aralin ay sinuring mabuti ng mga eksperto bago inilathala. Sabi pa ng Newsweek: “Ang mga pagkakamali ay kumakalat na parang mga uod, yamang halos bawat ‘bagong’ aklat-aralin ay halos itinulad sa matubong aklat na nauna rito.”

DROGA SA BRAZIL

“Isinisiwalat ng pananaliksik na ang paggamit ng mga droga sa gitna ng mga estudyante sa Brazil ay dumami ng 24% sa nakalipas na dalawang taon,” ulat ng magasing Veja sa Brazil. Ang nakatatakot na bilang ay mula sa isang pag-aaral na isinagawa sa 30,000 estudyante sa mababa- at mataas-na-paaralan. “Nang tipunin ang impormasyon mula sa mga panayam, isang malungkot na hinaharap ang lumitaw. . . . Ang pagdami sa paggamit ng droga ay lubhang mas mataas sa gitna ng mga tinedyer sa pagitan ng 13 at 15 anyos.” Ipinakikita rin ng pag-aaral na ang mga trangkilayser at sinisinghot na mga droga (gaya ng pandikit ng sapatos at mga pabango mula sa mga pampuslit ng pabango) ang pinakakaraniwang gamit. Bagaman ang mga drogang ito ay hindi gaanong malakas, ito ay maaaring umakay sa paggamit ng mas nakapipinsalang droga. Sang-ayon kay Propesor Elisaldo Carlini: “Ang impormasyon ay nakababahala sapagkat ang mga drogang karaniwang ginagamit sa bansa ay hindi ilegal at mabibili sa mga botika.”

KAWALAN NG MALASAKIT?

Maraming Italyano ang nalumbay sa katayuan ng kanilang bansa noong nakaraang tag-araw dahil sa malungkot na suliranin ng isang anim-na-taóng-gulang na batang babae. Ang munting si Vanessa Moretti at ang kaniyang ama ay namamasyal nang nakakotse patungo sa tabing-dagat. Habang sila’y nagdaraan sa isang tunel, ang ama ay biglang inatake sa puso. Bago siya namatay, sinabi ng sinumpong na lalaki sa kaniyang anak na hanapin ang daan pauwi sa kanilang bahay. Pinagsikapan ng bata na makalabas sa tunel, paulit-ulit na tinatangay ng malalakas na bugso ng hangin mula sa rumaragasang mga kotse na hindi man lamang nagpapabagal ng takbo. May galos, nagdurugo, at humihikbi, naglakad siya sa kahabaan ng haywey ng kalahating oras, na hindi pinapansin ng daan-daang dumaraang mga kotse na punô ng mga masasayang bakasyunista. Sa wakas may isang huminto. Ang mga editoryal ng pahayagan sa buong bansa ay nagtanong ng sumusuring mga tanong, gaya ng kung ang kayamanan kaya ng bansa ay gumagawa rito na mawalan ng malasakit at habag kung saan ito kilalang-kilala noon.

PAGTANGGAP NG PAGKATALO

Ang Common Cold Research Center ng Salisbury, Inglatera, ay nagsara nitong tag-araw, niwawakasan ang isang walang saysay na 44-na-taon na paghanap ng lunas para sa isang karaniwang sipon. Gaya ng nangyari, ang atas ay hindi payak na gaya ng dating akala. Ganito ang komento ng tagapangasiwa ng center: “Akala namin may isa lamang virus ng sipon. Alam na namin ngayon na may halos 200 uri ng virus, kaya walang tsansang makasumpong ng isang bakuna.” Sa nakalipas na mga taon mga 18,000 boluntaryo ang nagpunta sa center upang pasailalim sa iba’t ibang uri ng virus sa loob ng sampung-araw na programa ng kuwarantenas. Bagaman ang mga boluntaryo ay kailangang lumayo ng hindi kukulanging 10 metro sa sinuman maliban sa kanilang kakuwarto at sa medical staff, ang iba ay waring nasisiyahan sa programa. Isang lalaki’t babae ang nagkakilala noong panahon ng kanilang pagtira roon at nagbalik ng sumunod na taon para sa kanilang pulot-gata. Isang lalaki ang bumalik ng 26 na beses. Gayunman, inilalarawan siya ng tagapangasiwa na “tila kakatuwa.”

ISANG MALABONG UNIBERSO

Mga alon ng kapaitan at matinding galit ang namayani sa pamayanan ng mga astronomo na asang-asa sa kalulunsad kamakailan na $1,600,000,000 Hubble Space Telescope. Taglay ang pagkalaki-laki, sensitibong mga salamin nito na idinisenyo upang mabihag ang kristal-linaw na tanawing makukuha sa ibayo ng atmospera ng lupa na pumipilipit ng anyo, ang teleskopyo ay nangangakong palawakin pang lubha ang pagtanaw ng tao sa sansinukob gaya ng ginawa ng teleskopyong gamit ni Galileo. Subalit samantalang sinisikap ng mga astronomong nasa lupa na paandarin ang teleskopyo, natanto nila ang nakatatakot na katotohanan: Hindi ito maipokus nang wasto. Maliwanag ang salamin ay may depekto na hindi nakita sapagkat ang mga salamin ay hindi kailanman ganap na sinubok.

BANGKO NG DUGO NA HINDI NAHAWAAN?

Nakakaharap ng isang doktor sa Kanlurang Alemanya ang isang mahirap na hamon sa isang bansa sa sentral Aprika​—siya’y hiniling na magtatag doon ng isang bangko ng dugo na walang-AIDS. Sa kabisera ng bansa, 6 na porsiyento ng ipinagkaloob na dugo ay nahawaan ng virus ng AIDS. Kaya, idiniriin ng bangko sa dugo ang maingat na pagsusuri sa dugo. Gayunman, mayroon pa ring nakalulusot. Gaya ng ulat ng buwanang magasin na New African: “Noong minsan isang sampol ng dugo ang lumabas na nahawaan ng AIDS subalit hindi alam ng bangko, ang mga sampol ay ibinigay sa dalawang kasisilang na mga sanggol.” Bagaman sinasabi ng bangko na ang dugo rito ay walang-AIDS, hindi nga nito sinusuri ang dugo kung baga ito ay may malaria at sipilis na alam na nakahawa sa mahigit na 18-porsiyento ng dugo.

LUMALAGONG SULIRANIN SA BILANGGUAN

Ang isang report kamakailan ng Australian Institute of Criminology ay nagbababala na ang mga bilangguan ng Australia ay lubhang nagiging siksikan. Sinasabi nitong ang mga bilangguan ay dapat na may 85-porsiyentong dami ng manunuluyan, samantalang ang dami sa mga bilangguan sa Australia ay kasalukuyang may katamtamamng bilang na 103 porsiyento, na ang ibang estado ay mas mataas ang bilang kaysa iba. Tanging ang estadong isla ng Tasmania ang may isang preso sa isang selda. Nakababalisa rin ang bagay na 23 sa 88 bilangguan ng kontinente ay itinayo bago ang taóng 1900. Sa marami sa mga bilangguang ito, ang mga kalagayan ay sinauna at inilalarawan ng iba na “hindi makatao.” Sa wari’y may kaunting pag-asa ng pagsulong, gaya ng nakababalisang hilig na isinisiwalat ng mga estadistika. Halimbawa, ang dami ng mga babaing ibinilanggo sa pagitan ng 1982 at 1986 ay dumami ng 65 porsiyento!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share