Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g91 1/8 p. 28-29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Babae ay Nasa Disbentaha
  • Pangako sa Kapaligiran
  • Himalang “Inirarasyon”
  • Mga Problema sa Alagang Hayop
  • Mga Kalugihan ng Simbahan
  • Masamang Balita Para sa mga Maninigarilyo
  • Benta ng Tabako sa mga Sobyet
  • Nakalalasong Paghimod sa Laway ng Palaka
  • Tulog Para sa Utak
  • Inihinto ang Pagtatayong-muli ng Babilonya
  • Buwis sa Simbahan sa Alemanya
  • Banayad na Musika at Pag-inom
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1994
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
  • Mga Rabit at Palaka—Mananalakay ng Isang Kontinente
    Gumising!—2005
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1991
g91 1/8 p. 28-29

Pagmamasid sa Daigdig

Ang mga Babae ay Nasa Disbentaha

“Ang mahihirap na babae sa bukid ang lubhang pinagkaitang tao sa daigdig,” sabi ng publikasyon ng United Nations, ang UN Chronicle. “Sila’y mas masasakitin at mas hindi marunong bumasa’t sumulat kaysa mga lalaki at kulang ng mga pagkakataon na taglay ng mga lalaki upang mapabuti ang kanilang sarili.” Iyan ang konklusyong narating ng dalawang pangunahing mga pag-aaral tungkol sa pandaigdig na kahirapan noong 1990 ng dalawang internasyonal na ahensiya sa pag-unlad, ang United Nations Development Program at ang World Bank. “Halos kalahating milyong mga babae, 99 porsiyento sa kanila sa nagpapaunlad na mga bansa, ay namamatay sa panganganak sa bawat taon,” ulat ng UN Chronicle.

Pangako sa Kapaligiran

“Tayong mga tao’y naging panganib sa ating mga sarili. Dapat tayong kumilos ayon sa panahon.” Ang nagbababala ng masama na mga salitang iyon ay bumubuo ng isang bahagi ng pangako sa kapaligiran na binanggit ng mga presidente ng unibersidad mula sa 22 bansa sa Aprika, Asia, Europa, at Hilaga at Timog Amerika. Sila’y nangako na magtuturo nang higit kaysa ginawa nila noon sa kani-kanilang paaralan tungkol sa mga isyung pangkapaligiran at pararamihin ang yaman ng paaralan na itinalaga sa pananaliksik sa kapaligiran. Ang mga opisyal, na nagtipun-tipon sa isang komperensiya sa Talloires, Pransiya, nitong nakaraang Oktubre, at nagpahayag din ng karaniwang tunguhin “para sa isang maipagpapatuloy na kapaligiran sa hinaharap.”

Himalang “Inirarasyon”

Pinapangyari ng tagtuyot na ang “himalang tubig” mula sa bantog-sa-daigdig na lawà sa Lourdes sa Pransiya ay irasyon, na nagdulot ng pangamba sa mga dumadalaw sa paghahanap ng makahimalang mga paggaling. Pinayagan ng relihiyosong mga autoridad ang mga perigrino ng sangkapat na litro lamang ng tubig mula sa bukal, na, ayon sa tradisyon, ay bumukal noong 1858 pagkatapos ng aparisyon ng Madonna. Ang mga sobrang botelya ay kinumpiska, at ang tubig ay ibinuhos na muli sa lawà. “Sa lahat ng mga simbahan sa Pranisya, sila’y nagdarasal sa Birhen ng ulan, nang walang saysay. Subalit sa paano man, hindi niya magawang umulan kahit na nga lamang sa Lourdes,” sabi ng pahayagang Corriere della Sera.

Mga Problema sa Alagang Hayop

Ang popularidad ng aso bilang mga alagang hayop ng pamilya ay nakababalisa sa mga autoridad ng lungsod at ng kalusugan sa Pransiya. Iniuulat ng lingguhang magasing Pranses na L’Express na araw-araw 20 tonelada ng mga dumi ng aso ay pinupulot sa mga kalye at sa mga bangketa ng Paris sa halaga na mahigit na 400 franc ($70, U.S.) sa bawat kilo. Subalit karagdagan pa sa halaga at perwisyo, isang mas maselang salik ang lumitaw. Ang dumi ng aso ay pinagmumulan ng isang sakit na dala ng parasitong Toxocara canis. Kalahati ng mga palaruan ng mga bata at mga kahon na pinagsisidlan ng buhangin sa Paris ay nasumpungang nahawaan ng mahirap mamatay na pagkaliliit na mga itlog ng parasito, na pumapasok sa tahanan mula sa mga suwelas ng sapatos at sa mga paa ng mga alagang hayop ng pamilya. Lubhang minaliit ang paglitaw nito sa tao. Ang pagod, mga kirot sa sikmura, mga alerdyi, mga sakit sa puso at sa arterya ay maagang mga sintomas ng sakit.

Mga Kalugihan ng Simbahan

Ang talaan ng mga miyembro ng pangunahing mga denominasyong Protestante ay patuloy na umuunti sa Estados Unidos, sang-ayon sa 1990 Yearbook of American and Canadian Churches. Bagaman ipinakikita ng taunang aklat na ito, na inilathala ng National Council of Churches, na ang mga kalugihan ay wala pang 1 porsiyento sa karamihan ng mga kaso, ito’y walang pagbabago sapol noong kalagitnaan ng 1960’s. Ang Disciples of Christ, Episcopal Church, Presbyterian Church (E.U.A.), United Church of Christ, United Methodist Church, Evangelical Lutheran Church in America, at ang American Baptist Churches sa E.U.A. ay pawang dumanas ng mga kalugihan. Gayunman, inilista ng report ang mga Saksi ni Jehova bilang isa sa mga relihiyon na dumami ang bilang. Ang mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos ay may 3-porsiyentong pagsulong noong 1989 at isang 4-na porsiyentong pakinabang para sa 1990.

Masamang Balita Para sa mga Maninigarilyo

Noong Setyembre 25, 1990, ang Centers for Disease Control sa Estados Unidos ay naglabas ng report na “Ang mga Pakinabang sa Kalusugan ng mga Humihinto sa Paninigarilyo: Isang Report ng Surgeon General, 1990.” Ang ilan sa pangunahing mga konklusyong narating ay: “1) Ang paghinto sa paninigarilyo ay may malaki at kagyat na mga pakinabang sa kalusugan para sa mga tao ng lahat ng edad . . . ; 2) ang dating mga maninigarilyo ay mas mahaba ang buhay kaysa roon sa patuloy na naninigarilyo; 3) ang paghinto sa paninigarilyo ay nagbabawas sa panganib ng mga kanser sa bagà at iba pang kanser, atake sa puso, atake serebral, at talamak na sakit sa bagà.”

Benta ng Tabako sa mga Sobyet

Kamakailan sa Unyong Sobyet, isang galit na pulutong ng mga maninigarilyo ay halos magkagulo dahil sa kakulangan ng mga sigarilyo sa bansang iyon. Ang mga kompaniya sa Estados Unidos ay nangakong aalisin ang kakulangan. Balak nilang pagbilhan ng mahigit na isang buwang suplay ang mga Sobyet, 34 libong milyong sigarilyo. Kapansin-pansin, sinabi ng mga tagapagsalita para sa mga Amerikanong kompaniya na ang sigarilyo ay walang babala sa kalusugan ng surgeon general tungkol sa kanser at iba pang sakit na nauugnay sa paggamit ng tabako.

Nakalalasong Paghimod sa Laway ng Palaka

Sinabi ni Dr. Alan Emery ng Canadian Museum of Nature sa The Globe and Mail na mayroong pagsabog ng populasyon sa gitna ng mga palakang tubó sa buong daigdig sa nakalipas ng sampung taon. Ang palakang tubó, o Bufo marinus, “ay naglalabas ng nakalalasong malagatas na puting likido na tinatawag ng U.S. Drug Enforcement Agency na bufotenine.” Sa Queensland, Australia, gayon na lamang ang salot ng palaka anupa’t “inuri [ng gobyerno] ang laway ng palaka bilang isang ilegal na bagay sa ilalim ng Drug Misuse Act nito.” Ang laway na inilalabas ng mga palakang tubó ay nakalalason at “pinagmumulan ng mga guniguni, matinding pagsusuka at atake.” Iniulat ng Globe na dalawang taga-Canada na hinimuran ang kanilang mga daliri pagkatapos hipuin ang isang alagang palaka ay lubhang nagkasakit at kinailangang maospital.

Tulog Para sa Utak

Bakit kailangan natin ang tulog? Sa isang komperensiya kamakailan sa Strasbourg, Pransiya, isang kontrobersiyal na teoriya ang iniharap. Ang tulog ay sinasabing higit na kailangan ng utak kaysa ng katawan, na nakakabawi sa mga pagsisikap sa maghapon sa pamamagitan ng tulog. Ipinakikita ng mga pagsubok na samantalang “ang mga gawain ng katawan ay di-nasisirang nagpapatuloy kahit na pagkatapos ng ilang araw na walang tulog,” ulat ng Die Zeit, “ang utak ay iba.” Sa mga kaso ng pagsubok, ang mga tao’y dumaranas ng “kawalan ng atensiyon at pagpapako ng isip, mahinang memorya, pagbagal ng proseso ng pag-iisip, at mga suliranin sa pakikibagay” kapag pinagkaitan ng tulog.

Inihinto ang Pagtatayong-muli ng Babilonya

Ang sinaunang Babilonya, isang bantog na lungsod ni Haring Nabucodonosor na may nakabiting mga hardin nito, ay bumagsak sa ilalim ng mahigpit na pagsalakay ng mga mananakop mahigit na 2,500 taon na ang nakalipas. Isang mas maliit na Babilonya ang natira hanggang noong ikaapat na siglo C.E., nang ito ay naging isang ganap na kagibaan. Binalak kamakailan ng makabagong-panahong Iraq na itayong-muli ang dating kuta ng imperyal na kapangyarihan sa dati nitong kadakilaan. (Tingnan ng Gumising! ng Marso 8, 1988, pahina 30.) Gayunman, ang pulitikal na mga pangyayari kamakailan sa Gitnang Silangan ay nakahadlang sa mga plano ng pagtatayo na iyon, ulat ng The New York Times. Ang Isaias 13:19, 20 ay nagsasabi ng isang kawili-wiling hula tungkol sa pagkapuksa ng Babilonya, binabanggit na “siya y hindi matatahanan kailanman, ni tatahanan man siya sa sali’t salinlahi.”

Buwis sa Simbahan sa Alemanya

Sa Pederal na Republika ng Alemanya, kinukuha ng mga simbahan ang pinansiyal na suporta sa pamamagitan ng isang buwis sa simbahan, na ibinabawas ng mga maypatrabaho mula sa sahod. Isang maypatrabaho ang tumangging ipadala ang buwis sa simbahan na inaawas mula sa mga sahod ng kaniyang mga empleado. Bakit? Noong 1664 ang kaniyang mga ninuno ay pinaratangan ng pangkukulam at pinahirapan at sinunog sa kamatayan, at pinapananagot niya ang simbahan. Siya ay dinala sa hukuman, at nasumpungang ang kaniyang pagkilos ay hindi makatuwiran. “Kung hindi,” ulat ng magasing Polizei, “ang sinuman na ang mga ninuno ay dumanas ng kawalang-katarungan . . . ay maaaring tumanggi dahilan sa kaniyang budhi upang gawin ang katungkulang iniatang sa kaniya” ng Estado.

Banayad na Musika at Pag-inom

Nasumpungan ng pananaliksik na isinagawa sa mga bar na nagpapatugtog ng musikang panlalawigan at kanluranin na “mientras bumabagal ang musika, lumalakas ang inuman,” ulat ng babasahing Psychology Today. Ang pag-aaral ay isinagawa sa isang yugto ng dalawang taon at kinasangkutan ng 2,000 pangkat ng mga mang-iinom. Si James Schaefer, isang mananaliksik sa proyekto, ay nagsabi na “pinipili ng mga manginginom ng alak na makinig sa mas banayad, nananangis, malungkot, nahahabag-sa-sariling musika.” Gaya ng binabanggit ni Schaefer: “Malamang na ang buhay ng mga parokyano ay tulad ng awit na nais nilang ipatugtog.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share