Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 11/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1994
g94 11/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pandaraya sa Siyensiya? Ang inyong kamakailang artikulo na “Iniligaw ng mga Siyentipiko ang Publiko” (Enero 8, 1994) ay nakatawag ng aking pansin. Ang mga siyentipiko na nasangkot ay waring nakagawa ng simpleng pagkakamali na di-nagtagal ay kanilang itinuwid. Ganito dapat na kumilos ang siyensiya, subalit ang titulo ng inyong artikulo ay nagpapahiwatig na para bang ito’y kasalanan. Ang pinag-aalinlanganang bao ng bungo ay maaaring lumabas na mula sa isang asno, subalit ang bagay na iyan ay walang kinalaman sa pagiging totoo ng iba pang natuklasan gaya ng kilalang kalansay ni “Lucy.” Batid namin na ang mga nilikhang ito’y umiral.

M. P., Estados Unidos

Hindi namin ipinahihiwatig na ang mga siyentipiko na nasangkot sa pantanging pagtuklas na ito ay sadyang di-tapat. Ang totoo, sinipi namin ang sinabi mismo ni Dr. Moyà at kinilala namin ang kaniyang katapatan sa pagsasalita. Ang pangyayari ay ginamit upang ilarawan ang paraan kung paano ang makasiyentipikong katotohanan ay kalimitang naisasakripisyo para sa personal, pulitikal, at makabansang mga interes. Totoo, kapani-paniwalang mga ispesimen ng fossil ang natuklasan. Subalit walang anumang patotoo na ang nilikhang ito ay talagang mga ninuno ng sangkatauhan. Halimbawa, si “Lucy” ay may utak na sangkatlo lamang ng sukat ng utak ng tao. Maliwanag na ito’y wala kundi lipol na ngayong uri ng bakulaw.​—ED.

Mga Pagkasugapa Labis ko kayong pinasasalamatan sa seryeng “Mga Pagkasugapa​—Ano ang Nasa Likuran Nito?” (Abril 22, 1994) Binasa ko ang mga artikulo mula sa simula hanggang sa katapusan nang dalawang beses. Alam ninyo, ako ay mayroong sakit na nauugnay sa pagkain. Kahit paano ay bumuti ang aking pakiramdam pagkatapos ng paggamot sa isang klinika, pero kailangan ko pa ring makipagpunyagi kung minsan. Pinatibay ng artikulo ang aking paninindigan.

T. S., Alemanya

Ako’y dating sugapa sa droga at alkoholiko. Ang payo na inyong ibinigay ay totoong angkop. Ako’y nahimok din ng pagkaunawa na ang pagkasugapa ay isang hadlang sa espirituwalidad, yamang ang isang sugapa ay hindi maaaring maging lubusang malinis sa paningin ng ating Maylikha.

M. G., Pransiya

Anim na taon at kalahati na ang nakalipas, ang aking anak na lalaki ay namatay dahil sa pagkasugapa sa cocaine. Dahil sa nadama ko ang gayong kirot ng damdamin at nalampasan ito, handa na ako na harapin ang aking sariling pagkasugapa sa pagkain. Dahil sa ako’y lumaki sa isang pamilyang alkoholiko, natutuhan kong gamitin ang pagkain upang aliwin ang aking sarili at upang takasan ang kirot. Sinubukan kong magdiyeta, nabigo lamang ako. Gayunman, ang pagkatikim pa sa wakas ng pag-ibig ni Jehova pagkalipas ng 20 taon bilang isang Kristiyano ay naging malaking tulong. Salamat, salamat sa inyong mga artikulo.

S. E., Estados Unidos

Nagbagong Kriminal Ibig ko kayong pasalamatan nang lubusan dahil sa artikulong “Ang Pagtakas Ko Tungo sa Katotohanan.” (Pebrero 8, 1994) Ako’y 24 na taóng gulang, at kabilang sa bibitayin sa Washington State Penitentiary. Ang artikulong ito ay totoong tama sa akin at nagpangyari sa akin na magnais na gawin kung ano ang tama sa paningin ni Jehova. Totoong naantig ni Brian Garner ang aking puso.

J. B., Estados Unidos

Ako’y isang preso ng isang bilangguan sa Missouri at napatibay ang loob ko ng pagpapasiya ni G. Garner na isuko ang kaniyang sarili pagkatapos na malaman ang katotohanan. Ipinakikita nito ang epekto na mayroon ang inyong organisasyon sa mga tao taglay ang pagkabukas ng isip at mabuting puso. Napakadaling maunawaan na ang tunay na kalayaan ay nagmumula lamang sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.

W. B., Estados Unidos

Isang taon pa lamang ang nakalilipas nang makadispalko ako ng pera mula sa mga kompaniya na aking pinagtrabahuhan. Ninakaw ko ang daan-daang libong yen, isang bagay na walang sinuman ang makapag-iisip na gagawin ng isang 20-taóng-gulang na babae! Gayunman, ako’y nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, at nagsimula akong usigin ng aking budhi. Kaya isinauli ko ang salapi at nagtapat ako sa mga namamahala. At bagaman ako’y pinagsabihan ng masasakit na salita, walang mabigat na pagkilos ang ginawa. Ako’y lubusang nagpapasalamat sa artikulong ito, sapagkat tinulungan ako nito na matanto muli kung gaano kadakila ang kaawaan ni Jehova.

S. M., Hapón

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share