Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 1/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 1/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Reinkarnasyon Salamat sa napakahusay na serye ng mga artikulo na “Ikaw ba’y Nabuhay Na Noon? Ikaw ba’y Mabubuhay Muli?” (Hunyo 8, 1994) Inihatid ng mga artikulong ito sa simple at makatuwirang paraan ang katotohanan tungkol sa kalagayan ng mga patay. Sa palagay ko ang sinuman na naghahanap ng katotohanan may kaugnayan sa paksang ito ay walang magagawa kundi tanggapin kung ano ang inyong isinulat.

F. P., Italya

Dating Boksingero Maraming salamat sa artikulong “Natutuhan Kong Kapootan ang Aking Dating Naibigan.” (Hunyo 8, 1994) Ang salaysay ni Obdulio Nuñez ay nakatulong sa amin na maunawaan ang ilan sa problema sa kalusugan ng aking asawa. Bilang isang dating boksingero, siya rin naman ay dumaranas ng panlulumo. Totoo, ang Diyos na Jehova ang tumulong sa aking asawang lalaki na baguhin ang kaniyang buhay!

S. S., Estados Unidos

Kirot Ako’y isang propesyonal na masahista at ibig ko kayong pasalamatan sa serye na “Posible ba ang Buhay na Walang Kirot?” (Hunyo 22, 1994) Ako’y lubusang humanga sa matalinong unawa, pagkatimbang, at karunungan na litaw sa pananaliksik at paghaharap ng impormasyong ito. Ang artikulong ito ay magiging mahalagang tulong sa mga espesyalista, pasyente, at iba pa. Dahil sa ginagamit ko ang mga pamamaraan sa masahe, patuloy kong napaglalabanan ang kirot, naghihintay sa araw sa ilalim ng Kaharian ng Diyos kapag ang talamak na kirot ay hindi na iiral pa.

D. T., Denmark

Ang mga artikulong ito ay nagdulot ng labis na kaginhawahan sa akin. Ibinahagi ko rin ito sa iba na, gaya ko, nagbabata ng kirot araw-araw.

M. G., Estados Unidos

Ako’y nakahiga sa kama ngayon na sumusulat sa inyo, kung saan pana-panahon ay nararatay ako sa nakalipas na dalawa at kalahating taon dahil sa dalawang slipped disk (dumausdos na pinakaplato sa pagitan ng mga butong-gulugod sa likod). Salamat sa napakagandang artikulo na “Pinahihirapan Ka ba ng Kirot sa Likod?” (Hunyo 8, 1994) Ako’y naiyak habang binabasa ko ito, sapagkat para bang kayo ay nakikipag-usap sa akin. Hindi ako makapaniwala na may sinuman na makauunawa sa problemang ito nang napakaliwanag.

B. H., Inglatera

Sampung araw lamang ang nakalilipas, ako ay kailangang operahan sa likod, at pinasasalamatan ko kayo sa tumpak na impormasyon. Ang artikulo ay nakatulong sa akin na maunawaan ang sanhi ng aking kirot. Ang mga mungkahing ibinigay ay lubhang nakatulong, at inaasahan ko na marami ang magkakapit ng mga ito at makaiiwas sa operasyon.

K. G., Hungarya

Maling Panahon ng Konsiyerto? Totoong nagustuhan ko ang artikulong “Mula sa Nakikisakay na Hippie Tungo sa Misyonero sa Timog Amerika.” (Marso 22, 1994) Subalit isang punto ang nakalito sa akin. Binanggit ni Richard Fleet na siya’y nagtungo sa Liverpool upang panoorin ang Beatles noong Setyembre 1973. Sa abot ng aking nalalaman, ang Beatles ay nagtanghal sa publiko sa huling pagkakataon noong 1969 at nagkahiwa-hiwalay noong 1970.

C. S., Alemanya

Ipagpaumanhin ninyo ang maling pagkaunawa. Ang ibig sabihin ni Richard Fleet ay na siya’y nagpunta sa Liverpool upang tingnan ang isang klub kung saan minsang nagtanghal ang Beatles.​—ED.

Pagpapatiwakal Pinasasalamatan ko kayo nang buong puso sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Pagpapatiwakal ba ang Lunas?” (Abril 8, 1994) Ilang ulit kong hinangad na magpatiwakal. Nang ako’y musmos pa lamang, ako’y seksuwal na inabuso ng isang taong pinagtitiwalaan ko. . . . Noon, napakarami kong sulat na nagsasabi ng, ‘Ibig ko nang mamatay’ anupat hindi ko na ito mabilang. Ako’y naging isang Saksi ni Jehova, at ngayon ako ay naglilingkod bilang isang buong-panahong ebanghelisador, pero ang pagnanais na ito ay nadarama ko pa rin paminsan-minsan. Ito ang nadama ko nang nakaraang araw mismo bago ko tanggapin ang artikulo. Napaiyak ako. Subalit pinahintulutan akong mabuhay ni Jehova, at waring malumanay na sinabi niya sa akin, ‘Patuloy kang mabuhay.’ Sa totoo, lubos ko kayong pinasasalamatan.

Y. K., Hapón

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share