Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 1/22 p. 32
  • Pinanatili Siya Nitong May Kabatiran

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinanatili Siya Nitong May Kabatiran
  • Gumising!—1995
Gumising!—1995
g95 1/22 p. 32

Pinanatili Siya Nitong May Kabatiran

Isang mambabasa sa Ohio, E.U.A., ang sumulat: “Nais ko lamang ipaalam sa inyo kung gaano ko pinahahalagahan ang mga magasing Bantayan at Gumising! Ang mga ito ay tunay na mga hiyas.” Ipinaliwanag niya kung paanong ang pagbabasa nito ay nagpapanatili sa kaniya na may kabatiran.

“Ako’y huminto sa pag-aaral sa high school 13 taon na ang nakalipas,” sulat niya. “Kamakailan, ako’y hinilingan ng estado na kumuha ng high school equivalency test, mas kilala bilang GED (General Educational Development) test. Upang maghanda para sa pagsubok na ito, kailangan kong dumalo ng mga klase. Karaniwan na, kung ang isang tao ay mahusay sa mga klaseng ito, sa loob ng wala pang anim na buwan, maaari siyang kumuha ng GED test. Gayunman, ako ay handang kumuha nito sa loob ng apat na linggo, at ako’y tumanggap ng napakataas na puntos.

“Ang dahilan? Halos lahat ng nasa pagsubok​—siyensiya, araling panlipunan, at iba pa​—ay nasaklaw sa paano man sa nakalipas na mga labas ng Ang Bantayan at Gumising! Sa pagbabasa lamang ng mga magasin, ang aking mga kasanayan sa pagbasa, pagbaybay, at bantas ay napanatili. Sa katunayan, hindi ko pa nga pinag-aralan ang alinman sa mga asignaturang ito. Ang mga klaseng dinaluhan ko ay tumulong lamang sa akin na papanumbalikin ang aking kasanayan sa math.”

Kung nais mong magkaroon ng isang kopya ng Ang Bantayan at Gumising! o kung nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share