“Nagbago ang Opinyon Ko Tungkol sa Tungkulin ng Isang Doktor”
SI Akane, isang apat-na-taóng-gulang na batang babae sa Osaka, Hapón, ay may komplikadong mga abnormalidad sa puso—tricuspid atresia at atrial septal na mga depekto—kung saan siya ay kailangang operahan sa puso. Ang kaniyang mga magulang ay nagsumamo sa mga doktor na isagawa ang operasyon nang walang pagsasalin ng dugo.a
Ang operasyon sa puso na hindi gumagamit ng pagsasalin ng dugo ay mahirap gawin sa mga bata dahil sa kanilang kaunting dugo. Sa kaso ni Akane, ang mga doktor ay sumang-ayon na mag-opera nang walang dugo. Ipinababanaag ang kanilang ekselenteng medikal na mga kasanayan, ang operasyon ni Akane ay matagumpay. Siya’y mabilis na gumaling at ngayo’y nagtatamasa ng mahusay na kalusugan.
Ang ina ni Akane ay sumulat sa mga doktor na nagsagawa ng operasyon, inilalakip ang isang litrato ni Akane na kuha kamakailan. Isang anestesyologo ang sumagot sa ina ni Akane. Sa bahagi, ang kaniyang sulat ay kababasahan ng ganito:
“Ang kahanga-hangang paggaling ni Akane ay nakatutuwa sa amin. Nahirapan akong pigilin ang aking mga luha nang makita ko ang magandang litrato na inilakip ninyo sa inyong sulat. Hindi ang hirap ng operasyon kundi ang pagkakaiba sa pagitan ng inyong mga paniwala at ng sa akin ang lubhang nakabalisa sa akin. Ngayon, dahil sa karanasang ito, nagbago ang aking opinyon tungkol sa tungkulin ng isang doktor. Dapat gamitin ng mga doktor ang kanilang matatag na pag-unawa sa medikal na kaalaman upang magligtas ng buhay, subalit dapat din nilang igalang ang dignidad at ang mga kahilingan ng pasyente.”
[Mga talababa]
a Kasuwato ng Gawa 15:29, ang mga Saksi ni Jehova ay umiiwas sa dugo, pati na sa mga pagsasalin ng dugo. Gayunman, sila ay tumatanggap ng paggagamot na walang dugo.