Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 4/22 p. 9-11
  • Malapit Na—Ang Pinakamabuting Panahon!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malapit Na—Ang Pinakamabuting Panahon!
  • Gumising!—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA PAGPAPALA SA ILALIM NG KAHARIAN NG DIYOS
  • KUNG ANO ANG DAPAT MONG GAWIN
  • Ang Paraisong Lupa
    Espiritu ng mga Patay—Maaari ba Nila Kayong Tulungan o Pinsalain? Talaga Bang Umiiral Sila?
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ano ang Ating Kinabukasan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Pagkaraan ng Armahedon, Isang Paraisong Lupa
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 4/22 p. 9-11

Malapit Na​—Ang Pinakamabuting Panahon!

AYON sa Bibliya, nilayon ng Diyos na ang lahi ng tao ay mabuhay magpakailanman sa isang pambuong-daigdig na paraiso. (Genesis 1:28; 2:8, 9) Maliwanag, tayo ay lumayo sa orihinal na layunin ng Diyos. Ano ang nangyari?

Ang unang mag-asawa ay sumuway sa Diyos, na nagbunga ng di-kasakdalan at kamatayan para sa kanilang sarili at sa lahat ng kanilang supling. (Genesis 2:16, 17; 3:6, 7, 17-19; Roma 6:23) Ang Bibliya’y nagpapaliwanag: “Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan, at ang kaniyang kasalanan ay nagdala ng kamatayan. Bunga nito, ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng lahi ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.”​—Roma 5:12, Today’s English Version.

Sa kabila ng kalagayang ito, ang layunin ng Diyos ay hindi nagbabago. “Ang aking salita ay tulad ng niyebe at ulan na mula sa langit upang diligin ang lupa. Pinatutubo ang mga pananim at nagbibigay ng binhi para sa paghahasik at pagkain na makakain. Magiging gayundin ang salita na aking sinasalita . . . Gagawin nito ang lahat ng bagay na aking isinugong gawin nito.” (Isaias 55:10, 11, Today’s English Version.) Ano ang ipinangangako ng Diyos na gagawin para sa atin?

MGA PAGPAPALA SA ILALIM NG KAHARIAN NG DIYOS

Buhay na Walang-hanggan

“Ang matuwid ang magsisipagmana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman.”​—Awit 37:29.

“Hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”​—Apocalipsis 21:4.

Katiwasayan

“Sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na; at iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya’y mawawala na.”​—Awit 37:10.

Kasiya-siyang Gawain

“Ang mga tao’y magtatayo ng mga bahay at yao’y kanilang tatahanan​—ito’y hindi gagamitin ng iba. Sila’y magtatanim ng mga ubasan at masisiyahan sa alak​—ito’y hindi iinumin ng iba. Tulad ng mga punungkahoy, ang aking bayan ay mabubuhay nang mahabang buhay. Lubusan nilang tatamasahin ang mga bagay na kanilang ginawa.”​—Isaias 65:21, 22, TEV.

Kalusugan

“Walang mamamayan ang magsasabi: ‘Ako’y may sakit.’ Ang bayan na tumatahan sa lupain ay patatawarin sa kanilang pagkakamali.”​—Isaias 33:24.

Walang mga Kapansanan

“Madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Sa panahong iyon lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan.”​—Isaias 35:5, 6.

Kasaganaan ng Pagkain

“Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay may labis-labis.”​—Awit 72:16.

Kapayapaan

“Halikayo, kayo bayan, tingnan ang mga gawa ni Jehova, kung paanong gumawa siya ng kamangha-manghang mga pangyayari sa lupa. Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa.”​—Awit 46:8, 9.

KUNG ANO ANG DAPAT MONG GAWIN

Ano ang dapat mong gawin upang tamasahin ang mga pagpapalang ito na ipinangako ng Diyos? Ang Bibliya ay sumasagot sa Juan 17:3: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging Diyos na totoo, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” Oo, sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Diyos​—ang kaniyang pangalan, ang kaniyang layunin, at ang kaniyang mga batas​—magkakaroon ng direksiyon ang ating buhay. Higit pa riyan, sa pag-aaral tungkol kay Jesus​—ang kaniyang buhay sa lupa, ang kaniyang haing pantubos para sa ating mga kasalanan, ang kaniyang katayuan bilang Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos​—makapagtitiwala tayo na ang layunin ng Diyos ay matutupad.

Ang pagpapahintulot ng Diyos sa kabalakyutan ay nagsilbi upang ipakita nang walang pag-aalinlangan na ang tao, gaya ng isang manlalakbay sa isang di-pamilyar na dako, ay hindi makapagtutuwid ng kaniyang sariling mga hakbang. (Jeremias 10:23) Oo, sa karamihan ng mga pamahalaan​—mula sa mga pagkadiktador hanggang sa mga demokrasya​—nasubok na ng tao ang lahat ng maiisip na daan. Gayunman, sa pinakamabuti ang kaniyang tagumpay ay limitado.

Anong laki ng pagpapasalamat natin na sasagutin ng Kaharian ng Diyos ang panalangin na binibigkas ng angaw-angaw: “Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Ang mga pagpapala ng Kaharian ng Diyos ay tatamasahin sa lupa kapag pinalitan na nito sa malapit na panahon ang lahat ng mga pamahalaan ng tao. Ang Bibliya ay nangangako: “Sa mga kaarawan ng mga haring yaon ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kahariang iyon ay hindi ibibigay sa ibang bayan. Dudurugin at wawasakin niyaon ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.”​—Daniel 2:44.

Anong dakilang panahon nga iyon! Ang kaalaman tungkol sa Bibliya ay maaari ngang magbigay sa atin ng pag-asa. Oo, ito ang maligalig na mga panahon​—at lumalala pa. Subalit pinatutunayan lamang niyan na tayo’y nabubuhay na sa mga huling araw ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay. Hindi na magtatagal ang pinakamasama sa mga panahong ito ay hahalinhan ng pinakamabuting panahon sa ilalim ng Kaharian ng Diyos!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share