Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 4/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1992
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 4/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Edukasyon Katatapos ko lamang ng pag-aaral sa isang pamantasan sa Nigeria at sumala ako sa pagkakaroon ng matataas na marka ng 2 porsiyento lamang. Kahit paano ako’y nanlumo. Kaya nang inyong ilathala ang artikulong “Pagpapanatili sa Edukasyon sa Kaniyang Dako” (Agosto 22, 1994) at ipakita na ang edukasyon ay hindi dapat na itaguyod para lamang magpasikat, naunawaan ko ang mga bagay ayon sa kanilang tamang pangmalas. Bagaman hinihimok ako ng aking mga propesor na ipagpatuloy ang aking postgraduate na mga kurso, pinag-iisipan kong mabuti ito ayon sa liwanag ng aking natutuhan.

G. J., Nigeria

Ako’y 14 na taońg gulang at nakararanas ako ng matinding panggigipit para itaguyod ang mas mataas na edukasyon. Sa tulong ng inyong artikulo, nagpasiya ako na gawin kung ano ang ibig kong gawin. Ibig ko na maging isang pioneer [buong-panahong ebanghelisador], at kung kailanganin ko ang karagdagang pagsasanay upang magkaroon ng trabaho, ibig kong pumasok sa isang paaralang bokasyonal at matutuhan ang potograpiya.

H. O., Estados Unidos

Pinili ko na huwag nang kumuha ng karagdagang edukasyon. Mas pinili kong gamitin ang panahong iyon sa pagtuturo sa iba tungkol sa ating Maylikha. Ang mga tao ay karaniwang namamangha kung gaano karami ang nalalaman ko tungkol sa iba’t ibang paksa. Nagtatanong sila, “Nagkolehiyo ka ba?” Sinasabi ko sa kanila na natutuhan ko ang nalalaman ko mula sa Bibliya at sa literatura na inilaan ng Watch Tower Society.

M. L., Estados Unidos

Ipinakita ng inyong artikulo ang pangangailangan sa pagsasaalang-alang sa bentaha at disbentaha ng karagdagang edukasyon. Nadama ko ang pangangailangan na magbalik muli sa paaralan subalit ayaw ko na mapabayaan ang espirituwal na mga gawain. Ipinaliwanag ko ang aking iskedyul ng Kristiyanong mga pulong sa kalihim ng paaralan, at inayos niya ang aking mga klase upang makadalo ako sa lahat ng aking mga pulong.

M. F. S., Brazil

Mas Mahinang Sisidlan? Salamat sa nagbibigay-liwanag na artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Ang ‘Mas Mahinang Sisidlan’​—Isang Insulto sa Kababaihan?” (Oktubre 8, 1994) Ang bawat lalaki ay dapat na magbasa ng artikulong ito, yamang napakaganda ng pagpapaliwanag nito.

G. B., Estados Unidos

Hindi ko kailanman naunawaan ang mga salita ng Bibliya sa 1 Pedro 3:7 tungkol sa mga babae na ‘mas mahinang mga sisidlan.’ Inaakala ko lagi na ang mga babae ay di-gaanong mahalagang mga nilalang, at lumaki ako na nakikita ang mga lalaki na pinakikitunguhan ang mga babae nang may kaunting paggalang. Subalit ang artikulong iyon ang nagtuwid ng aking kaisipan.

T. C., Estados Unidos

Di-kasekso Maraming salamat sa mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .” “Bakit Napakahirap Kong Ihinto ang Pag-iisip sa Hindi Kasekso?” at “Paano Ko Maihihinto ang Pag-iisip sa Hindi Kasekso?” (Hulyo 22, 1994; Agosto 8, 1994) Natutuwa ako na malaman na hindi ako nasisiraan ng bait, yamang sa edad na 12 ay nagkaroon ako ng matinding damdamin sa isang batang lalaki na kilala ko. Ang ikalawang artikulo ang tumulong sa akin na ihinto ang pag-iisip nang labis tungkol sa kaniya. Sinabi ko ito sa isang Kristiyanong nakatatandang sister sa aking kongregasyon, at tinulungan niya ako.

P. Z., Estados Unidos

Ang bahagi tungkol sa masturbasyon ay patungkol sa akin. Inakala ko na ang masturbasyon ang makatutulong sa akin upang pahupain ang pagdiringas ng aking pagnanasa sa sekso, subalit pinalubha lamang ito. Nananalangin ako kay Jehova na ako’y patawarin dahil sa pagkasangkot ko sa karima-rimarim na gawaing ito.

P. M., Estados Unidos

Dumating ang artikulo sa tamang panahon. Sa paaralan ang nangungunang pinag-uusapan ay tungkol sa sekso. May isang batang babae sa paaralan na kasama kong dumadalo sa iisang kongregasyon. Inaakala ko na talagang napakatalino niya, napakahusay, at maganda. Ang artikulo ay nakatulong sa akin na iwasan na patuloy siyang isipin at hanap-hanapin.

M. F., Alemanya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share