“Hindi Ko Mapigil ang Aking Luha”
“Mga ilang sandali lamang ang nakalipas, natapos kong basahin ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal, at hindi ko mapigil ang aking luha.” Bakit naantig nang gayon na lamang si Alicia, isang babaing Mexicana, ng publikasyong ito? Sagot niya: “Ang mga paliwanag at ang mga karanasan na nilalaman nito ay nagpapahayag ng mga damdamin na nadama ko nang mamatay ang aking ama siyam na taon na ang nakalipas at nang ako’y makunan halos 18 buwan na ang nakalipas.”
Ano ang partikular na nakatulong sa kaniya sa kaniyang dalamhati? Ang kahon na pinamagatang “Pagkalaglag at Pagkamatay ng Anak sa Tiyan—Dalamhati ng mga Ina” at ang mga bahaging “Papaano Ko Mapagtitiisan ang Aking Pagdadalamhati?” at “Papaano Makatutulong ang Iba?”
Isinulat din ni Alicia: “Ang ulat tungkol sa pagkabuhay-muli ni Lazaro ay totoong makabagbag-damdamin at muling nagpatibay sa aking pananampalataya sa pagkabuhay-muli sa napakalinaw na paraan.”—Juan 5:28, 29.
Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng nakapagpapatibay-loob na 32-pahinang brosyur na ito, pakisuyong sumulat sa mga Saksi ni Jehova sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.