Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 9/8 p. 31
  • Magkakaroon ba ng Sapat na Tubig?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkakaroon ba ng Sapat na Tubig?
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Nauubusan na ba ng Tubig ang Daigdig?
    Gumising!—2001
  • Kung Saan Mas Malala ang Krisis
    Gumising!—1997
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Krisis sa Tubig sa Mundo?
    Iba Pang Paksa
  • Sariwang Tubig
    Gumising!—2023
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 9/8 p. 31

Magkakaroon ba ng Sapat na Tubig?

“Tanging 2% ng lahat ng sariwang tubig ng Lupa, at 2/3 ng nagagamit na panustos na iyan ay nagyeyelo sa polo at mga glacier zone, nag-iiwan ng [wala pang] 1% bilang likido, sariwang tubig.”​—Research and Exploration, isang publikasyon ng National Geographic.

MAYROON ka bang naiinom na tubig sa inyong bahay? Kung gayon isa ka sa mas mapalad na tao. Milyun-milyong tao ang kailangang umigib ng kanilang tubig, kadalasa’y mga kilometro ang layo​—at pagkatapos ito ay kadalasang hindi pa puwedeng mainom. Ang iba ay kailangang magtipon sa mga gripo ng bayan o sa mga trak upang makakuha ng kaunting rasyon ng tubig. Ganito ang sabi ng Research and Exploration: “Habang dumarami ang tao, ang mga problema sa paggamit at pangangasiwa sa tubig ay dumarami. Ang mga problemang ito ay pinakamalubha sa nagpapaunlad na mga bansa, kung saan 1 bilyon katao ang nahihirapan o imposible nang makakuha ng tubig na maiinom.” Iyan ay nangangahulugan na halos 1 sa 5 tao sa daigdig ay may malubhang problema sa paghanap ng magagamit na tubig.

Ang mga binhi ng mga alitan sa hinaharap ay naihasik na sa kakapusang ito sa tubig. Isang dalubhasa ang nagsabi: “Maraming tao ang hindi na bubuti pa ang buhay, nakatira sa mga barungbarong kung saan ang mga pagsisikap na makaahon sa karukhaan, di-normal na kultura, at alitang pantribo ay ipapahamak ng kakulangan sa tubig na maiinom, lupang masasaka, at lugar na mapamumuhayan.”

Ano ang magagawa ng bawat isa sa atin upang matalinong magamit ang mahalagang yaman na ito? Matipid at maingat na gamitin ito​—ito’y mahalaga at may-hangganan.

1) Huwag aksayahin ang tubig. Huwag pabayaang tumutulo ang mga gripo nang hindi kinakailangan​—gaya kung nagsisipilyo o nag-aahit. Huwag magtagal sa paggamit ng dutsa​—ipagpalagay nang ikaw ay mapalad na magkaroon ng isang dutsa!

2) Huwag dumhan ang tubig. Kung maruming ilog o sapa ang umaagos malapit sa tinitirhan mo, may sumisira sa mahalagang linya ng buhay para sa inyong pamayanan. Kadalasang ang malaking pananagutan sa polusyong ito ay nasa mga awtoridad sa lungsod, mga industriyalista, mga magsasaka, at iba pa na hinahayaang dumaloy ang mga dumi sa imburnal at kemikal na mga produkto sa mga sapa at mga ilog.

Ang Diyos, bilang ang Maylikha at May-ari ng lupa, ay may karapatang humingi ng pagsusulit sa paraan ng paggamit natin sa ating planeta. Inihuhula ng Bibliya na tunay ngang ‘dadalhin [ni Jehova] sa pagkasira yaong mga sumisira sa lupa.’​—Apocalipsis 11:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share