Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 6/8 p. 30
  • Har–Magedon—Ano ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Har–Magedon—Ano ba Ito?
  • Gumising!—1996
Gumising!—1996
g96 6/8 p. 30

Har–Magedon​—Ano ba Ito?

ANG Har–Magedon ay isang Hebreong salita na nangangahulugang “Bundok ng Megido.” Ang pangalang ito ay tuwirang nauugnay sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” Ang kataga ay kumakapit lalo na sa kalagayan, o situwasyon, kung saan “ang mga hari ng buong tinatahanang lupa” ay tinitipon sa pakikipaglaban kay Jehova at sa kaniyang Kaharian sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Sa maraming bersiyon ito ay isinasaling “Armagedon.”​—Apocalipsis 16:14, 16, AT; KJ; JB; RS; TEV.

Walang literal na dako na tinatawag na “Bundok ng Megido,” sa loob o labas ng Lupang Pangako, bago o noong panahon ni apostol Juan, na nagtala ng pangitain. Kaya, maliwanag na hinahalaw ng Har–​Magedon ang kahulugan nito mula sa mga pangyayaring nauugnay sa sinaunang lunsod ng Megido.

Ang Megido ay matatagpuan mga ilang milya sa timog-silangan ng Bundok Carmel, nakatunghay at nangingibabaw sa Kapatagan ng Esdraelon (Jezreel) at kontrolado ang pangunahing hilaga-timog at silangan-kanluran na mga ruta ng kalakal at militar. Si Josue ang unang sumakop sa lunsod na ito ng Canaanita. (Josue 12:7, 8, 21) Malapit sa dakong ito nang maglaon nalupig ang hukbo ni Jabin sa ilalim ng pagmamando ni Sisera. Ginamit doon ni Jehova ang mga puwersa ng kalikasan upang tulungan ang mga hukbong Israelita sa ilalim ni Barak. (Hukom 4:14-16) Sa Megido namatay si Haring Ochozias ng Juda pagkatapos na siya’y malubhang masugatan sa pag-uutos ni Jehu. (2 Hari 9:27) Doon napatay si Haring Josias ng Juda sa isang pakikipagsagupaan kay Faraon Nechao.​—2 Hari 23:29, 30.

Inilalarawan ng ulat sa Apocalipsis ang pinagsamang mga hukbo ng mga hari sa lupa na tinitipon “sa dako [Griego, anyo ng toʹpos] na sa Hebreo ay tinatawag na Har–​Magedon.” (Apocalipsis 16:16) Sa Bibliya ang toʹpos ay maaaring tumukoy sa isang literal na dako (Mateo 14:13, 15, 35); sa pagkakataon, o “tsansa” ng isa (Gawa 25:16); o sa makasagisag na dako, kalagayan, o situwasyon (Apocalipsis 12:6, 14). Dahil sa konteksto nito, ito’y sa isang “dako” sa huling-banggit na diwa na nagmamartsa ang pinagsamang militar na mga kapangyarihan ng daigdig.

Ang “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat” sa Har–​Magedon ay hindi ilang nakalipas na pangyayari kundi inilarawan sa Apocalipsis bilang panghinaharap na pangyayari mula sa panahon ng pangitain ni Juan. Ang pagtitipon ng mga hari sa Har–​Magedon ay inilarawan bilang resulta ng pagbubuhos ng ikaanim sa pitong mangkok na naglalaman ng “huling” mga salot na tatapos sa galit ng Diyos. (Apocalipsis 15:1; 16:1, 12) Gayundin, ipinahihiwatig na ang digmaan sa Har–​Magedon ay may malapit na kaugnayan sa pagkanaririto ni Kristo ay ang babala tungkol sa kaniyang pagparito na gaya ng isang magnanakaw, na inilagay sa pagitan ng mga talatang 14 at 16 ng Apocalipsis kabanata 16.

Ang pangglobong aspekto ng digmaan ay idiniin sa konteksto. Doon ang mga kalaban ni Jehova ay kinilala bilang “ang mga hari sa buong tinatahanang lupa,” na pinakikilos ng “mga pahayag na kinasihan ng mga demonyo.”​—Apocalipsis 16:14.

Yamang isinisiwalat ng pangitain sa Apocalipsis kabanata 19 na ang mga hukbo ng langit lamang ang nakikibahagi sa digmaan bilang mga tagapagtaguyod ni Jesu-Kristo, Ang Salita ng Diyos, ipinahihiwatig nito na walang Kristiyanong lingkod ni Jehova sa lupa ang makikibahagi sa pakikipagbaka. Ito’y kasuwato ng mga salita ni Jesu-Kristo sa Mateo 26:52 na ang kaniyang mga alagad ay huwag bumaling sa mga sandata para sa pisikal na pakikipagdigma. (Ihambing ang Exodo 14:13, 14; 2 Cronica 20:15, 17, 22, 23; Awit 2:4-9.) Ang mga ibon na lumilipad sa kalagitnaan ng langit ang kakain sa mga katawan niyaong mga pinaslang.​—Apocalipsis 19:11-21.

Sa gayon ang Har–​Magedon ay mauunawa bilang isang labanan, hindi lamang sa gitna ng mga tao, kundi isa na doon ang di-nakikitang mga hukbo ng Diyos ay makikibahagi. Ang pagdating nito ay tiyak at ito’y magaganap sa panahon na itinakda ng Diyos na Jehova, na “ginagawa ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit at sa mga mananahan sa lupa.”​—Daniel 4:35; tingnan din ang Mateo 24:36.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share