Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 7/8 p. 32
  • Huwag Magsayang, Nang Huwag Magkulang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Huwag Magsayang, Nang Huwag Magkulang
  • Gumising!—1996
Gumising!—1996
g96 7/8 p. 32

Huwag Magsayang, Nang Huwag Magkulang

SA ATING modernong lipunan na bili nang bili, ang hindi nakapipinsalang pagtatapon ng basura at mapanganib na mga labí ng produkto ay naging isang masamang panaginip. Sa kabaligtaran, ang paglalang ng Diyos ay kahanga-hanga sa pagtitipid at pagreresiklo. Kunin halimbawa ang saray o bahay ng pukyutan. Ang pagkít ng pukyutan (beeswax), ang materyales na gamit sa paggawa ng saray, ay isang mahal na kagamitan​—ang isang pukyutan ay nangangailangan ng 16 na gramo ng pulot-pukyutan at isang di-tiyak na dami ng polen upang gumawa ng 1 gramo lamang ng pagkít ng pukyutan. Paano binabadyet ng mga pukyutan ang kanilang pagkít ng pukyutan? “Ang mga dingding ng pagkít ng mga kuwarto ng bahay ng pukyutan ay nagtatagpo nang tatluhan sa 120-digri na mga anggulo, bumubuo ng isang regular na ayos ng mga hexagon,” paliwanag ng aklat na By Nature’s Design. “Ang disenyong ito ay nagpapangyari sa mga pukyutan na tipirin ang dami ng pagkít na ginagamit nila, samantalang naglalaan ng matibay na bahay na pag-iimbakan ng pulot-pukyutan.” Kaya pinagsasama ng isang napakahusay na bahay ang kagandahan ng anyo sa pagiging matipid, at ito’y maaaring iresiklo!

Kung nasisiyahan ka sa pagbabasa ng mga artikulo tungkol sa siyensiya at likas na mga kababalaghan at nais mong tumanggap ng Gumising! nang palagian, makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share