Isang Bagay na Kailangan ng mga Kabataan Ngayon
Isang 14-anyos na batang babae sa New Jersey, E.U.A., ang nagsabi na maaga sa taóng ito ay kinailangan niyang sumulat ng isang report tungkol sa “Kung Bakit Nandaraya ang mga Estudyante sa mga Pagsusulit.” Dinala niya ang kaniyang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas sa paaralan upang magsaliksik. Dinampot ito ng isa sa kaniyang mga kaklase at binasa ang mga uluhan ng mga bahagi sa talaan ng mga nilalaman, gaya ng “Ang Sekso at Moralidad” at “Pakikipag-date, Pag-ibig, at ang Di-kasekso.”
“Maaari bang akin na lang ang aklat na ito?” tanong ng kaklase.
“Ipinaliwanag ko na kopya ko ito,” sabi ng estudyante, “ngunit sinabi ko sa kaniya na dadalhan ko siya ng isa. Nang dalhan ko siya, nakita ng isa pang kaklase ko ang aklat at humiling sa akin na ikuha ko rin siya ng isa. Di-nagtagal pagkatapos niyan, ako’y nagdala ng sampung aklat na Tanong ng mga Kabataan para sa mga estudyante na nagnanais ng isang kopya.”
Sa palagay ng 14-anyos na estudyante ay mahalagang magkaroon ng aklat. Aniya: “Talagang kailangan namin ang publikasyong ito sapagkat napakahirap maging kabataan ngayon.”
Kung nais mong magkaroon ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas o nais mong may dumalaw sa inyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang kahalagahan ng edukasyon sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa direksiyon na pinakamalapit sa inyo na nakatala sa pahina 5.