Isang Aklat na Lubhang Naiibigan
Ang Books We Love Best, na inilathala halos limang taon na ang nakalipas sa California, E.U.A., ay isang kalipunan ng mga komento ng mga kabataan tungkol sa mga aklat na gustung-gusto nila. Pinili ng isang kabataan Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas bilang ang aklat na gustung-gusto niya. Ganito ang paliwanag ng kabataang sumulat:
‘Ang kamangha-manghang aklat na ito ay tungkol sa mga tanong at mga sagot na itinatanong ng mga kabataan sa kanilang mga sarili ngayon gaya ng, “Bakit ayaw akong unawain ng aking mga magulang?” “Dapat ba akong sumubok ng droga o alkohol?” “Paano ko malalaman na ito nga’y tunay na pag-ibig?” “Ano mayroon ang kinabukasan para sa akin?” “Ano naman ang tungkol sa pagsisiping bago ikasal?” Ilan lamang ito sa mga titulo ng kabanata sa aklat na ito. Gusto ko ang aklat na ito sapagkat hindi lamang ito nagtataglay ng personal na mga katanungan kundi nagbibigay ng madadaling sagot na nagdudulot sa iyo ng kasiyahan. Maiibigan ito ng mga kabataan.’
Ang alkohol at droga ay ginagamit bilang halimbawa ng mga tuksong nakakaharap ng mga kabataan sa ngayon. ‘Ipinakikita ng mga magasin at mga programa sa T.V. ang mga inumin at alak na hihikayat sa iyong uminom nito,’ sabi ng kabataan. ‘Ikaw ay tinutukso ng ibang kabataan at mga tin-edyer na uminom nito. Kaya hindi kataka-taka na ang mga kabataan ay nalilito kung ano ang gagawin. Sinasagot ng aklat na ito ang gayong uri ng mga tanong. Kaya ngayon ay alam na ninyo kung bakit naiibigan ko ang aklat na ito. Kami ng nanay ko ay laging nag-aaral nito na magkasama kung Huwebes. Halos nangangalahati na kami sa aklat ngayon.’
Walang alinlangang ikaw man ay makikinabang nang husto mula sa may magagandang larawan, 320-pahinang publikasyong ito. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya nito o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sumulat sa angkop na direksiyon sa pahina 5.