Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 2/8 p. 22-25
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1997
g97 2/8 p. 22-25

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga sipi mula sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag naman sa pahina 25. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Ano ang pumigil kay Jesus sa paggawa ng makapangyarihang mga gawa sa gitna ng mga tao sa kaniyang sinilangang teritoryo? (Marcos 6:5, 6)

2. Anong dalawang tanim ang binanggit ni Jesus may kaugnayan sa mahigpit na pagbibigay ng mga Fariseo ng ikapu? (Lucas 11:42)

3. Anong hayop ang makahulang ginamit upang ipakita kung paano nagmistulang “pipi” si Jesus habang napipighati? (Isaias 53:7)

4. Sino ang mataas na saserdoteng tumanggap ng masamang hatol sapagkat higit na pinarangalan niya ang kaniyang mga anak kaysa kay Jehova? (1 Samuel 2:27-29)

5. Ano ang “sinaway” ni Jesus, kung kaya nawala ito sa biyenang-babae ni Simon at siya’y gumaling? (Lucas 4:38, 39)

6. Ano ang tawag sa unang bahagi ng prusisyon? (Exodo 14:19)

7. Saan inihahalintulad ang pansamantalang buhay ng tao, bilang kabaligtaran naman ng namamalaging “pananalita ni Jehova”? (1 Pedro 1:24, 25)

8. Saang dako sa ilang unang kumain ng manna ang mga Israelita at nagkabisa ang batas ng Sabbath? (Exodo 16:1, 13-31)

9. Ano ang ilang bagay na hindi kayang gawin ng mga idolo? (Awit 115:5-7)

10. Palibhasa’y hindi nila pinabanal at pinarangalan ang Diyos sa katubigan ng Meribah, sinu-sino ang hindi pinapasok sa Lupang Pangako? (Bilang 20:12)

11. Aling bahagi ng katawan ang makahulugang ginagamit upang kumatawan sa kakayahang gumamit ng lakas o kapangyarihan? (Isaias 51:9)

12. Bilang pagpapakita ng kahigitan ng pagkasaserdote ni Kristo, ano ang sinabi ni Pablo na binayaran ni Levi habang ito’y nasa mga balakang pa ni Abraham? (Hebreo 7:9, 10)

13. Anong pananalita ang ginamit sa Bibliya na nagpapahiwatig na ang isang hari sa Israel ay kumatawan sa teokratikong pamamahala ni Jehova? (1 Cronica 29:23)

14. Ano ang katulad ng bawat isa sa apat na nilalang na buháy sa pangitain ni Juan? (Apocalipsis 4:7)

15. Ano ang mangyayari sa lupa kapag inihagis na ang Diyablo mula sa langit? (Apocalipsis 12:12)

16. Paano isinagawa ang paghahati ng Lupang Pangako sa 12 tribo? (Bilang 26:55, 56)

17. Anong uri ng ibon ang may dalawang matang nakaharap sa unahan, na nagpapangyari rito upang sabay na makita agad ng dalawang mata ang isang bagay? (Awit 102:6)

18. Ano ang mahahayag sa iba tungkol kay Timoteo sa kaniyang patuloy na pagmamatiyaga sa espirituwal na mga bagay? (1 Timoteo 4:15)

19. Ano ang posisyon ni Daniel sa pamahalaan ng Babilonya? (Daniel 2:48)

20. Ano ang tinahi nina Adan at Eva upang gawing damit? (Genesis 3:7)

21. Sa pagdiriin sa kaniyang paksa na huwag gamitin ang dila sa maling paraan, ano ang sinabi ni Santiago na di-kayang iluwal ng isang puno ng igos? (Santiago 3:12)

22. Dapat lamang mahipo ng mga maysakit ang anong bahagi ng kasuutan ni Jesus upang mapagaling? (Mateo 14:36)

23. Magsisilbing tanda ng ano ang mga bagay sa kalawakan ng langit? (Genesis 1:14)

24. Sino lalo na ang dapat makilala sa pagkakaroon ng katamtaman, mapitagang pamumuhay at mabubuting gawa? (Tito 2:2, 3)

25. Ano ang sinabi ni Isaias na ipatatawad sa mga tao, kung kaya “walang mamamayan ang magsasabing: ‘Ako’y may sakit’ ”? (Isaias 33:24)

26. Bagaman ang tekstong sinipi niya, ang Awit 140:3, ay tumatawag dito na “may-sungay na ulupong,” anong karaniwang pangalan para sa makamandag na ahas ang ginamit ni Pablo? (Roma 3:13)

27. Ano ang ikaanim na titik ng alpabetong Hebreo?

28. Anong termino ang ginagamit upang makilala ang isang di-Judio? (Roma 2:9, 10; tingnan ang King James Version.)

29. Ano ang pangalan ng daungan sa Italya na doo’y gumugol si Pablo ng isang linggo sa piling ng kapuwa mga Kristiyano habang siya’y patungo upang humarap kay Cesar? (Gawa 28:13, 14)

30. Pinayuhan tayo ni Pablo na ituon ang ating mga mata sa anong walang-hanggang mga bagay? (2 Corinto 4:18)

31. Ano ang hindi kailangang gawin ng mga Kristiyano mismo yamang si Jehova ang bahalang gumawa nito? (Roma 12:19)

32. Bilang pagdiriin sa pagiging mapamuksa ng Gehena, ano ang sinabi ni Jesus na hindi namamatay roon? (Marcos 9:48)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Ang kawalan nila ng pananampalataya

2. Yerbabuena, ruda

3. Isang tupang babae

4. Si Eli

5. Ang kaniyang lagnat

6. Ang harapan

7. Damong nalalanta

8. Ang ilang ng Sin

9. Magsalita, makakita, makarinig, makaamoy, makadama, makalakad

10. Sina Moises at Aaron

11. Ang bisig

12. Mga ikapu

13. “Naupo sa luklukan ni Jehova”

14. Leon, toro, tao, agila

15. Kaabahan

16. Sa pamamagitan ng sapalaran

17. Isang kuwago

18. Ang kaniyang pagsulong

19. Pangulo ng mga tagapamahala

20. Mga dahon ng igos

21. Mga olibo

22. Palawit

23. Mga panahon, araw, taon

24. Matatandang lalaki at babae

25. Ang kanilang kasamaan

26. Aspid

27. Waw

28. Gentil

29. Puteoli

30. “Mga bagay na di-nakikita”

31. Maghiganti

32. “Ang kanilang mga uod”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share