Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 4/22 p. 16
  • Isang Huwaran na Dapat Tularan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Huwaran na Dapat Tularan
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Trahedya sa Chile ay Nag-uudyok ng Pag-ibig Kristiyano
    Gumising!—1992
  • Mga Biták sa Gusali
    Gumising!—1987
  • Ang Bibliya o ang Tradisyon?—Isang Problema sa Taimtim na mga Katoliko
    Gumising!—1986
  • Ang Kagandahan ng mga Pambansang Parke sa Alpino
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 4/22 p. 16

Isang Huwaran na Dapat Tularan

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA CHILE

Si Giacomo Castelli ay may apartment sa Antofagasta, isang lunsod na halos may 170,000 katao sa hilagang Chile. Noong nakaraang Hunyo, napagmasdan niya mula sa kaniyang balkon ang isang grupo ng mga tao sa isang lokal na parke. “Kahanga-hangang pagmasdan ang mga tin-edyer na sama-samang naghahalakhakan at nagkakasiyahan kasama ng kanilang mga magulang,” ang sulat niya sa pahayagang El Mercurio. Upang matiyak ang kakaibang tanawing ito, nanaog siya papunta sa parke.

“Nagulat pa ako sa isang bagay,” ang sabi ng mausisang manunulat. “Nang matapos mananghalian ang ilang pamilya, pinulot ng bawat miyembro nila ang di-sinasadyang nahulog na basura sa damuhan at isinilid ito sa supot ng basura na dala ng bawat isa. . . .

“Ibig kong malaman kung sino ang di-pangkaraniwang mga taong ito,” ang patuloy ng manunulat. “Lumapit ako sa isang magandang batang babae na maaaring maging reyna sa anumang timpalak, at napakalambing na sinabi niya sa akin: ‘Kami po’y mga Saksi ni Jehova, at kami’y nagtitipon sa Regional Stadium para sa isang asamblea.’ ” Kung oras ng pananghalian, nagpupunta ang mga grupo mula sa pansirkitong asamblea na dinaluhan ng mahigit na 3,000 katao sa parke upang doon mananghalian.

“Ako’y isang Apostolikong Romano Katoliko,” ang sabi ng manunulat. “Walang likat ako sa pagdalo ng Misa at ako’y nagperegrino sa Lourdes, sa Pransiya, noong nakaraang taon.

“Gayunman, bilang paggalang sa nakatimo nang Kristiyanong kinalakhan ko, may katapatang aaminin ko sa aking sarili: Anong mayroon sila na tayong mga Katoliko, ang relihiyon ng karamihan sa Chile, ay wala? Bakit ang mga tin-edyer na ito ay palagay na palagay sa kanilang mga magulang samantalang ang aking tatlong anak na babae ay malayo sa akin maging nang aking imungkahi na kami’y lalabas nang magkakasama?

“Bakit ang ating mga anak na Katoliko ay mararahas; bakit sila naghihiyawan at naglalaro ng ‘Power Rangers,’ habang nananakit ng ibang bata, . . . samantalang ang mga batang ito ay mapayapa, totoong masasaya, at palaisip sa ekolohiya? Bakit tayong mga Katoliko ay hindi maaaring magsama-sama sa mga asamblea nang hindi nasisilo ng kasuklam-suklam na komersiyalismo na nakapalibot sa ating kabanal-banalang relihiyosong mga lugar, gaya ng mga banal na lugar ng La Tirana, Andacollo, at iba pa?”

Ganito ang pagwawakas ng manunulat, si G. Castelli, sa kaniyang sulat sa pahayagan na nagtatanong: “Tayo kaya na itinuturing ang mga sarili na mga Katoliko at mga Kristiyano ay maging gaya nila? Harinawa’y tulungan tayo ng Diyos at ng Birhen na magawa ang gayon.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share