Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 5/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi Naging Hadlang sa Akin ang Dyslexia
    Gumising!—2009
  • Pagdaig sa Pagkasiphayo Dahil sa “Dyslexia”
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 5/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Dyslexia Sumulat ako upang ipahayag ang aking taimtim na pasasalamat sa artikulong “Pagdaig sa Pagkasiphayo Dahil sa ‘Dyslexia.’ ” (Agosto 8, 1996) Pagkatapos kong mabasa ang kahong “Kung Paano Makikilala ang Dyslexia sa mga Bata,” sinuri naming mag-asawa ang aming sampung-taóng-gulang na anak na lalaki. Natuklasan namin na siya’y may dyslexia, at ngayo’y gumagawa kami ng mga hakbang upang maibigay ang tulong na kailangan niya, kapuwa sa bahay at sa paaralan. Palaging sinasabi sa amin ng kaniyang mga guro na napakahusay niyang bata subalit nahihirapan siyang mag-aral. Kaya maguguni-guni ninyo kung gaano kalaki ang aming pagpapasalamat dahil sa pagkalathala ng artikulong ito.

J. S., Scotland

Bilang isang ina ng dalawang batang may dyslexia, tuwang-tuwa ako na mabasa ang artikulong ito. Napakahusay ng nagawa nito upang ituro sa iba kung gaano katotoo ang sakit na ito at kung gaano kahirap ito para sa mga maysakit nito. Naisip mo na ba kung ano ang nadarama ng isang hindi makabasa ng karatula sa lansangan? O mag-order ng pagkain mula sa menu ngunit hindi mo mabasa kung ano ang sinasabi nito? Natitiyak ko na gagamitin ng mga maysakit nito ang impormasyon.

M. K., Estados Unidos

Nanganganib Malipol na “Species” Ipinaaabot ko ang taos-pusong pasasalamat sa seryeng “Nanganganib Malipol na mga ‘Species’​—Bakit Ka Dapat Mabahala?” (Agosto 8, 1996) Talagang nanganganib tayo na maubusan ng kayamanan. Pinanatiling nag-aalab ng artikulo ang aking pagnanais na mabuhay sa ipinangako ng Diyos na bagong sanlibutan, kung saan ang mga hayop ay makapamumuhay nang hindi nanganganib na malipol.

D. I., Albania

Krisis sa Nagsisilikas Ako’y isang lumikas mula sa Burundi, at ibig kong sabihin ang aking pagpapahalaga sa seryeng “Ang Krisis sa mga Nagsisilikas​—Magwawakas Pa ba Ito?” (Agosto 22, 1996) Napatibay nang husto ang loob ko na malaman ang pangmalas ni Jehova sa bagay na ito at kung paano, noong sinaunang panahon, tinuruan niya ang kaniyang bayan na makitungo nang may kabaitan sa mga nagsisilikas. Pinasasalamatan ko kayo sa mga artikulo; talagang nakaaliw ito sa akin.

D. M., Kenya

Trahedya sa Bus Samantalang binabasa ko ang artikulong “Pananagumpay sa Trahedya sa Tulong ng Lakas ni Jehova” (Agosto 22, 1996), hindi ko mapigilang umiyak sapagkat personal akong naapektuhan nito. Ako rin ay naaksidente, kasama ng aking pinakamatalik na kaibigan. Siya’y namatay pagkalipas ng ilang oras dahil sa malubhang mga pinsala. Nang sumunod na limang taon, natutuhan kong tanggapin ang matinding dalamhati at sumbat ng budhi sapagkat ako’y nakaligtas, samantalang siya’y hindi. Nagtitiwala ako kay Jehova na kaniyang aalalahanin ang aking mahal na kaibigan. Nakikiramay rin ako sa mga namatayan ng kanilang mga mahal sa buhay sa trahedyang ito sa Espanya.

J. T., Estados Unidos

Pagkautal Salamat sa artikulong “Maging ang Dila ng mga Utal ay Magsasalita.” (Agosto 22, 1996) Labis akong napalakas ng karanasan ni Petr Kunc. Ako rin ay isang utal. Bago ako magbigay ng pahayag sa Bibliya, lagi akong humihingi ng tulong kay Jehova na makapagpahayag ako nang malinaw.

M. M., Italya

Nang ako’y umedad ng 20, nahirapan akong makipag-usap sa iba at magsalita sa entablado sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos ng isang atas, pagpapawisan ako nang husto at mararamdaman ko ang di-pangkaraniwang pagkahapo. Talagang naging malaking pampatibay-loob na mabasa ang karanasan ng isang kapuwa Kristiyano na naglilingkod kay Jehova sa kabila ng problemang ito. Tinulungan ako nito na magkaroon ng positibong pangmalas sa mga bagay-bagay.

M. S., Hapon

Ako’y naudyukang magpasalamat dahil sa inyong paglalathala ng karanasang ito. Ganito rin ang aking problema sapol nang aking pagkabata. Tulad ni Petr, ako’y naglilingkod bilang isang matanda sa kongregasyon, at kailangan kong magtiwala kay Jehova upang palakasin ako sa paggawa ko ng aking atas. Ako ngayon ang nangangasiwa sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, anupat tumutulong sa iba sa kanilang pagsasalita.

N. O. N., Nigeria

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share