Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 4/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Kumain Tayo ng Balinghoy!
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 4/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagsasaya Ako’y 12 taóng gulang, at talagang nagustuhan ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit ang Saya-Saya ng Ibang mga Kabataan?” (Hulyo 22, 1996) Naitanong ko rin ito noon. Sa aming paaralan maaari kang pumirma para makasali sa mga parti, sayawan, at iba pang gawain. Malimit na ibig kong magpunta. Subalit natulungan ako ng artikulo na maunawaan na ako’y may pananagutan kay Jehova sa mga pagpapasiyang ginagawa ko. Kaya sasama na lamang ako sa aking Kristiyanong mga kaibigan.

A. S., Estados Unidos

May panahon noon na aking naranasan ang nadama ng [manunulat ng Bibliya] na si Asap, gaya ng inyong binanggit sa artikulo. Ang artikulong ito ang nagbigay sa akin ng karagdagang lakas na kailangan ko upang mapakiharapan ko ang paaralan.

A. S., Hapon

Totoo na may ibang kabataan na nakadarama na para bang sila’y napag-iiwanan o napagkakaitan sapagkat hindi sila “napahihintulutan” na makisali sa makasanlibutang mga parti. Subalit hindi naman lahat ng mga anak ng mga Saksi ni Jehova ay nakadarama ng ganiyan! Para sa akin, nasusuklam ako nang husto sa maraming bagay na nagaganap sa mga makasanlibutang parti, at gayundin ang nadarama ng aking mga Kristiyanong kaibigan. Kami​—at walang alinlangan ang marami pang iba​—ay hindi napagkakaitan!

C. H., Estados Unidos

Brewery Gulch Sumulat ako upang sabihin sa inyo kung gaano ako nasiyahan sa artikulong “Tumubo ang Espirituwal na mga Bulaklak sa Brewery Gulch.” (Hulyo 22, 1996) Ipinagunita nito sa akin ang napakaraming magagandang alaala ng 21 buwan na ginugol ko roon mga ilang taon na ang nakaraan. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na ako’y nalayo sa tahanan. Ang ilan sa pamilyang inyong binanggit sa artikulo​—ang pamilyang Smith, Griffin, at Pugh​—ay naging parang mga ina, ama, tiya, at mga tiyo ko. Natulungan nila ako na gumulang bilang isang Kristiyano. Ninais ko tuloy na makabalik sa kanila dahil sa pagbabasa ng artikulo. Naalaala ko silang lahat taglay ang masidhing pagmamahal at pagpapahalaga.

P. A., Estados Unidos

Dahon ng Kamoteng-Kahoy Salamat sa artikulong “Dahon ng Kamoteng-Kahoy​—Araw-araw na Pagkain ng Milyun-milyon.” (Hulyo 8, 1996) Sa Aprika ay gayon na lamang ang pagpapahalaga sa kamoteng-kahoy dahil sa ito ang aming pangunahing pagkain sa loob ng dantaon. Gayunman, sa Nigeria ay wala kaming gaanong alam tungkol sa mga dahon nito, yamang ang mga ugat ang naglalaan sa amin ng aming paboritong mga pagkain, gaya ng gari at foo-foo. Nakatutuwang malaman na sa ibang bahagi ng daigdig, ang mga dahon ay ginagamit hindi lamang para sa gamot kundi para sa katakam-takam na pagkain. Salamat kay Jehova dahil sa paglikha ng kamoteng-kahoy!

J. S. E., Nigeria

Binagong Priyoridad Kailangang sabihin ko sa inyo kung gaano ako napatibay-loob ng artikulong “Kung Bakit Niya Binago ang Kaniyang mga Priyoridad.” (Hulyo 22, 1996) Ako’y naglingkod bilang isang pambuong-panahong ebanghelisador sa loob ng 13 taon, at ang paglalagay ng priyoridad ay hindi laging madali sa ating daigdig na paigting nang paigting. Taun-taon, ang pananatili sa buong-panahong ministeryo ay nagiging higit na mapanghamon. Ang pag-iisip na si Jeremy ay nagbitiw sa kaniyang napakagandang karera bilang isang warden ng isang reserbadong lugar para sa kalikasan upang maging isang pambuong-panahong ministro ay tumitiyak sa akin na ang pagpapanatiling priyoridad ng ministeryo sa aking buhay mismo ay sulit na pagsikapan.

N. C., Estados Unidos

Durungawan sa Bahay-Bata Kamakailan ay nalaman kong ako’y nagdadalang-tao. Dahil sa walang-ingat na paraan ng paggamot, nanganganib na magkaroon ng diperensiya ang aking anak kapag isinilang ko. Ang inyong artikulong “Isang Durungawan sa Bahay-Bata” (Agosto 8, 1996) ay tumulong sa akin na magpasiyang huwag ipalaglag ang aking sanggol. Natanggap ko ang magasin isang linggo bago ko malaman na ako’y nagdadalang-tao.

M. C., Estados Unidos

Dyslexia Maraming salamat sa inyong artikulong “Pagdaig sa Pagkasiphayo Dahil sa Dyslexia.” (Agosto 8, 1996) Sa buong buhay ko ay alam kong may diperensiya ako, subalit hindi ko alam kung ano iyon. Kamakailan ay nasuri ako ng isang dalubhasa sa Attention Deficit Disorder na ako’y may dyslexia. Ngayon ay natututuhan kong gamitin ang aking mga hintuturo bilang isang pantulong sa aking pagbabasa.

P. C., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share