Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 6/8 p. 15-25
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1997
g97 6/8 p. 15-25

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa mga binanggit na teksto sa Bibliya, at ang kabuuang talaan ng mga sagot ay nasa pahina 25. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Anong nakaungos na lupa sa silangang baybayin ng Creta ang nadaanan ni Pablo sa kaniyang paglalayag patungo sa Roma upang litisin? (Gawa 27:7)

2. Ano ang ginagawa ni Moises nang matagpuan siya ng anak na babae ni Paraon anupat nahabag ito sa kaniya? (Exodo 2:6)

3. Ilan ang sinabi ni Jesus na makasusumpong sa daan patungo sa buhay? (Mateo 7:14)

4. Ano ang ginagawa ng aktibong puwersa ng Diyos pagkatapos ng pagkalalang sa lupa? (Genesis 1:2)

5. Pagkatapos langisan ng mamahaling pinabangong langis ang mga paa ni Jesus, paano ginamit ni Maria ang kaniyang buhok? (Juan 12:3)

6. Ano ang tawag ng Hebreong Kasulatan sa mga asawang lalaki may kaugnayan sa kanilang kabiyak? (Esther 1:20)

7. Ano ang pinakamalaking pamantayang sukat sa bigat at halaga ng salapi sa Hebreo? (2 Hari 23:33)

8. Bagaman ginawa iyon ni Moises upang mahadlangan ang pagkamatay ng mga tao, ano ang sinira ni Haring Hezekias dahil iyon ay sinasamba noong kapanahunan niya? (2 Hari 18:4)

9. Ano ang pangalan ng babaing taga-Filipos na nahirapang lutasin ang kanilang di-pagkakaunawaan ng isang Kristiyanong kapatid na babaing si Sintique? (Filipos 4:2, 3)

10. Ano ang ginawa ni Moises, sa utos ng Diyos, upang paglagyan ng tapyas ng bato na pinagsulatan ng Batas? (Deuteronomio 10:1-5)

11. Anong mga bathala ang sinamba ng mga Avita, na tinirahan ng hari ng Asirya sa Samaria pagkatapos na bihagin ang mga Israelita? (2 Hari 17:31)

12. Ang isang taong “nagsasabi ng isang pagbati” sa isang apostata ay nagiging ano ayon sa Kasulatan? (2 Juan 11)

13. Bagaman ang tapat ng mga taga-Corinto ay binanggit ni Pablo bilang “isang liham ni Kristo” na isinulat sa mga puso, ano ang sinabi niya na hindi ginamit? (2 Corinto 3:3)

14. Sa kapaligiran ng anong lunsod unang inudyukan si Samson ng espiritu ng Diyos at inilibing nang dakong huli? (Hukom 13:25; 16:31)

15. Sa ano inihalintulad ni Jesus ang turo ng mga Fariseo at mga Saduceo dahil sa ito ay may nakasasamang epekto? (Mateo 16:11, 12)

16. Bakit tumangis si Juan nang makita niya ang balumbon na may pitong tatak? (Apocalipsis 5:1-4)

17. Ano ang iba pang pangalan na dito’y nakilala si Esau, ang kakambal ni Jacob? (Genesis 36:1)

18. Bakit parang batang nagsusulat ng pa-krus na marka si David sa harap ni Haring Akis ng Gat at hinayaang tumulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas? (1 Samuel 21:13)

19. Ano ang tawag sa isang katutubo ng Gat? (2 Samuel 15:22)

20. Bakit pinapurihan ni David si Jehova sa Awit 139:14?

21. Ano ang tawag sa likurang bahagi ng bangka? (Marcos 4:38)

22. Ilang buwan nagawang itago si Moises ng kaniyang mga magulang pagkasilang sa kaniya? (Hebreo 11:23)

23. Tinawag ni Jesus si Satanas na ama ng ano? (Juan 8:44)

24. Ano ang ginawa ni Haman upang alamin ang pinakaangkop na araw upang puksain ang mga Judio sa Imperyong Persiano? (Esther 3:7)

25. Kasama ng punong olibo at ng puno ng ubas, ano ang isa sa pinakakilalang mga halaman sa Bibliya? (Juan 1:48)

26. Saan kinilala ng anak ni Saul na si Jonathan na ang susunod na hari sa Israel ay si David? (1 Samuel 23:16-​18)

27. Sino ang Persianong tagapamahala na nakatuklas sa dokumento ni Ciro at nagpahintulot na itayong muli ang templo? (Ezra 6:1-​12)

28. Aling hayop ang may malapit na kaugnayan ngunit mas malaki kaysa sa kuneho? (Levitico 11:6)

Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Salmone

2. Tumatangis

3. Kakaunti

4. “Gumagalaw nang paroo’t parito sa ibabaw ng mga katubigan”

5. Upang punasan ang kaniyang mga paa

6. May-ari

7. Talento

8. Tansong serpiyente

9. Euodias

10. Kaban ng tipan

11. Nibhaz at Tartak

12. “Kabahagi sa kaniyang balakyot na mga gawa”

13. Tinta

14. Eshtaol

15. Lebadura

16. “Sapagkat walang sinumang nasumpungang karapat-dapat na magbukas ng balumbon o tumingin sa loob nito”

17. Edom

18. Upang kumbinsihin ang hari na siya ay nababaliw at sa gayo’y makatakas siya

19. Giteo

20. Sapagkat ‘ginawa siya sa kamangha-manghang paraan’

21. Popa

22. Tatlo

23. Kasinungalingan

24. Ipinapagsapalaran niya ang pur (ang palabunot)

25. Puno ng igos

26. Horesh

27. Dario

28. Liebre

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share