Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 6/22 p. 14-15
  • “Isang Sinag ng Liwanag sa Madilim na Panahon”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Isang Sinag ng Liwanag sa Madilim na Panahon”
  • Gumising!—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nagbigay Pansin ang News Media
  • Ang Unang Pagpapalabas
  • “Nanindigan Ako! Nanindigan Ako! Nanindigan Ako!”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • “Tapat sa Kabila ng mga Pagsubok”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Ibinunyag ang mga Kabuktutan ng Nazismo
    Gumising!—1995
  • Ano ang Nangyari sa mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 6/22 p. 14-15

“Isang Sinag ng Liwanag sa Madilim na Panahon”

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Alemanya

ITO ang paglalarawan ng isang mananalaysay sa kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova noong panahon ng Nazi. Ang pangyayari ay ang unang pagpapalabas sa daigdig ng dokumentaryong video na Jehovah’s Witnesses Stand Firm Against Nazi Assault, na ginanap sa Ravensbrück Memorial, sa Alemanya. Isinasalaysay ng video na ito ang nakaaantig na ulat ng tibay ng loob at pananampalataya na inilahad ng 24 na nakaligtas sa panahon ng Nazi, kasama na ang 10 iskolar ng kasaysayan at relihiyon.

Daan-daang Saksi ni Jehova ang minsang ibinilanggo sa kampong piitan ng Ravensbrück. Ang ilang nakaligtas na Saksi, na ibinilanggo ng mga Nazi sa nakaraang mahigit na 50 taon, ay naroroon sa unang pagpapalabas. Nagunita nila, gayundin ng mga mananalaysay at mga opisyal ng pamahalaan, ang nakapanghihilakbot na mga panahon nang maghasik ng lagim ang rehimeng Nazi sa Europa. Ang mga tagapakinig na halos 350 ay nakinig sa mga ulat ng Kristiyanong integridad ng daan-daang Saksi na buong tapang na humarap sa kanilang kamatayan sa halip na itakwil ang kanilang pananampalataya.

Nagbigay Pansin ang News Media

Isang press conference ang ginanap sa isang otel sa Berlin noong umaga ng unang pagpapalabas, Nobyembre 6, 1996. Pinanood ng mga peryodista ang mga clip ng video at pagkatapos ay nakinig sa mga talumpati ng mga iskolar na nagkomento sa kahalagahan ng bagong dokumentaryo na nagsisiwalat ng hindi gaanong batid subalit mahalagang aspekto ng kasaysayan. Si Dr. Detlef Garbe, direktor ng Neuengamme Memorial, ay nagpaliwanag: “Tayo​—ang mga Saksi ni Jehova at hindi mga Saksi ni Jehova​—ay hindi dapat makalimot sa kasaysayan ng mga bilanggo na may lilang tatsulok [ang sagisag na isinuot ng mga bilanggong Saksi]. Ito’y isang sinag ng liwanag sa madilim na panahon.”

Ang ilang nakaligtas na Saksi na lumabas sa Stand Firm ay naroon upang maglahad ng kanilang mga karanasan. Masama ba ang kanilang loob dahil sa kanilang paghihirap? Ang kanilang mapayapa at masayang mukha ay nagpapahiwatig na hindi.

Pagkatapos ng bahaging tanong at sagot, ang mga tagapag-ulat ay inanyayahan sa unang pagpapalabas ng dokumentaryong Stand Firm sa Ravensbrück Memorial, halos 40 milya ang layo. Halos ang lahat ay tumanggap sa paanyaya.

Ang Unang Pagpapalabas

Ang makulimlim na kalangitan at pinong ambon sa malamig na araw ng taglagas na ito ay nahalinhan ng masayang kapaligiran sa loob ng bagong kakukumpuning bulwagan kasunod ng Ravensbrück Memorial. Ganito ang sabi ni Propesor Jürgen Dittberner, dating direktor ng Foundation for the Ravensbrück, Sachsenhausen, and Bradenburg memorials: “Ang tibay ng loob na ipinamalas ng mga Saksi ni Jehova sa ilalim ng pambansang sosyalismo ay dapat na igalang . . . Pinagpipitaganan natin nang lubos ang alaala ng mga taong ito na hindi nagtakwil ng kanilang pananampalataya at nagbunga ito ng pagdurusa o pagkamatay pa nga nila.”

Si Angelika Peter, ang minister para sa edukasyon, kabataan, at isport sa Brandenburg, Alemanya, ay nagpadala ng mensahe, na binasa naman. Ganito ang sabi: “Mahalaga na magunita natin sa ngayon ang kahanga-hangang katatagan ng mga Saksi ni Jehova.” Si Dr. Sigrid Jacobeit, direktor ng Ravensbrück Memorial, ay nagsabi: “Inasam-asam ko ang unang pagpapalabas na ito na may pananabik at kagalakan. Sa palagay ko’y isang pantanging araw ito, para sa ating lahat.”

Pagkatapos ay pinadilim ang mga ilaw upang mapasimulan ang video. Sa loob ng 78 minuto ay hindi lamang ang mga nakaligtas na naroroon mula sa walong bansa kundi ang lahat din naman ng nanonood ang nakagunita sa trahedya at tagumpay ng masaklap na kabanatang ito sa kasaysayan ng Alemanya. Marami ang nahirapang magpigil ng kanilang luha habang isinasalaysay ng pangkaraniwang mga taong ito ang kahanga-hangang mga gawa ng pag-ibig at pananampalataya sa ilalim ng pinakakahindik-hindik na mga kalagayan.

Pagkatapos na humupa ang masigabong palakpakan, binasa ng mananalaysay na si Joachim Görlitz ang pangwakas na mga salita ng isang Saksi na pinatay sa Brandenburg. Natuklasan ni Görlitz ang sulat dalawang linggo pa lamang ang nakararaan habang nagsasaliksik sa Brandenburg Memorial and Archive, kung saan siya ang direktor. Nanginginig ang kaniyang boses dahil sa nabagbag na damdamin habang kaniyang binabasa ang mga sinabi ng tapat na Kristiyanong lalaking ito na nagpapatibay ng loob sa kaniyang mga kapananampalataya na manghawakang tapat sa kanilang Panginoon. Pagkatapos ganito ang pagwawakas ni Görlitz: “Mga minamahal na tagapakinig, sa aking palagay ang pelikula tungkol sa mga Saksi ni Jehova ay makapag-aambag nang malaki sa ating edukasyonal na gawain.”

Sinabi ng mananalaysay na si Wulff Brebeck na “sa pamamagitan ng pelikulang ito isang mahalagang kayamanan ang naidagdag​—ang tinig ng mga nakaligtas na hinding-hindi madalas mapakinggan, at . . . ang tinig ng mga nasawi.” Sinabi pa ni Dr. Garbe: “Ang mga ito’y mahahalagang karanasan ng mga tao na ang pananampalataya sa Diyos at pagtitiwala sa mga pangako ng Bibliya ay nagbigay sa kanila ng lakas na tumanggi sa kakila-kilabot na panahong iyon.”

Bilang angkop na pagwawakas sa programa, minsan pa muling nagsalita ang ilang Saksi sa mga tagapakinig. Maliwanag sa lahat na ang matatatag na Kristiyanong ito ay nagtataglay pa rin ng gayunding malakas na pananampalataya na tumulong sa kanila sa panahon ng maraming pagsubok sa kanila.

Sapol noong unang pagpapalabas, mahigit na 340 artikulo tungkol sa mga Saksi ni Jehova at sa dokumentaryong Stand Firm ang lumitaw sa mga pahayagan sa buong Alemanya. Ilang programa sa radyo, isa sa pambansang istasyon ng radyo, ang naghatid din ng magandang balita.

Ang dokumentaryong Stand Firm ay lubusang makukuha sa di-kukulanging 24 na wika. Ang isang inedit na bersiyong pansilid paaralan ay gagawin din sa dakong huli. Sapol nang ilabas ang video, sinimulang gamitin ng dumaraming bilang ng mga tagapagturo ang dokumentaryong Stand Firm bilang bahagi ng kanilang kurikulum upang matulungan ang mga kabataan na isaalang-alang ang mahahalagang problema, gaya ng pagtatangi, panggigipit ng kasamahan, at ang tinig ng budhi.

Sa daigdig na ito na nababahagi ng pagkakapootan at pagtataksil, napapanahon nga na ang kasaysayang ito ng integridad ay dapat na ipaalam sa publiko! Tunay na ang paghihirap ng tapat na mga Kristiyanong ito ay hindi nawalang kabuluhan.​—Hebreo 6:10.

[Mga larawan sa pahina 15]

Ang press conference sa Berlin. Mula sa kaliwa: Dr. Detlef Garbe, mga nakaligtas sa Holocaust na sina Simone Liebster at Franz Wohlfahrt, at mananalaysay na si Wulff Brebeck

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share