Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 5/22 p. 32
  • Napagtagumpayan ang Kaniyang Pag-aalinlangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napagtagumpayan ang Kaniyang Pag-aalinlangan
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 5/22 p. 32

Napagtagumpayan ang Kaniyang Pag-aalinlangan

Nang masumpungan ng mga Saksi ni Jehova ang isang binata sa islang Caribeano ng Jamaica, gayon na lamang ang pag-aalinlangan nito hinggil sa pag-iral ng Diyos at tutol siya sa pagiging kinasihan ng Bibliya. Gayunman, atubiling tinanggap niya ang isang kopya ng aklat na Ang Bibliya​—Salita ng Diyos o ng Tao? Siya’y dinalaw muli, subalit sa wakas ay sinabi niya sa mga Saksi na huwag nang babalik hangga’t hindi niya sila inaanyayahan.

“Makalipas ang ilang buwan,” iniulat ng mga Saksi, “tumawag siya sa telepono at nagharap ng maraming tanong. Pero mapamuna pa rin siya sa mga sagot ng Bibliya.”

Nang maglaon, isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan ang iniwan sa binata, at pinasimulan sa kaniya ang isang regular na pag-aaral sa Bibliya. Di-nagtagal pagkaraan nito, nagkomento siya: “Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit kailangan ang pag-aaral na gaya nito.” Sabik na sabik siya sa kaniyang natututuhan anupat hiniling niya na gawing dalawang beses sa isang linggo ang pag-aaral. Di-nagtagal at nagsimula na siyang dumalo nang regular sa mga pulong Kristiyano.

Ang pananampalataya ng milyun-milyon ay napatibay ng pagbabasa ng Ang Bibliya​—Salita ng Diyos o ng Tao? at ng pag-aaral ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Kung nais mong magkaroon ng kopya ng mga aklat na ito o nais mong mapagdausan ka ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

[Kapsiyon sa pahina 32]

Pabalat ng aklat na Ang Bibliya​—Salita ng Diyos o ng Tao?: Ikatlong-siglong papiro at Hebreong balumbon ng Esther: The Trustees of the Chester Beatty Library, Dublin; busto ni Alejandrong Dakila: Musei Capitolini, Roma

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share