Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 5/22 p. 31
  • Namisa ng mga Sisiw ang Aking mga Bubuyog!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Namisa ng mga Sisiw ang Aking mga Bubuyog!
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Inahing Manok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Inahin na Nagtitipon ng mga Sisiw
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Ang Himala ng Itlog ng Avestruz
    Gumising!—2002
  • Hen
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 5/22 p. 31

Namisa ng mga Sisiw ang Aking mga Bubuyog!

AKO’Y nakatira sa isang maliit na bukirin sa gawing hilaga ng Sweden. Kamakailan, habang nililimliman ng dalawa sa aking mga inahing manok ang mga itlog, napansin ko ang kanilang mga kilos. Dalawang araw matapos mapisa ang unang mga sisiw, naglakad-lakad ang ilan sa mga ito at di-sinasadyang napadaan sa isa pang inahing manok. Sa pag-aakalang sa kaniya ang mga sisiw, bigla siyang tumayo, iniwan ang kaniyang mga itlog, at sinimulang tipunin ang mga ito sa ilalim niya. Wari namang hindi alintana ng mga sisiw kung aling inahing manok ang nangangalaga sa kanila.

Sinubukan kong kunin ang inahing manok upang maisauli ang “ninakaw” na mga sisiw at paupuin itong muli sa kaniyang sariling mga itlog, ngunit walang nangyari sa aking pagsisikap. Itatapon ko na sana sa basurahan ang pinabayaang mga itlog nang mapatigil ako at nag-isip, ‘Baka puwede pa naman ang mga ito!’ At nagkaroon ako ng ideya.

Ang isang malaking kuyog ng mga bubuyog ay may palagiang temperatura na mga 34 digri Celsius sa kanilang bahay-pukyutan. Kaya kinuha ko ang mga itlog at ipinatong ang mga ito sa isang sapin ng bulak sa itaas ng pinaglilimliman sa loob ng isa sa aking mga bahay-pukyutan. Saka naglagay ako ng dalawang tasang tubig na malapit sa kanila upang mapanatiling mahalumigmig ang “pugad.” Araw-araw kong ibinabaligtad ang mga itlog, na gaya ng paglimlim ng inahing manok.

Makalipas ang ilang araw, nakarinig ako ng matinis na siyap na nagmumula sa ilan sa mga itlog. Maya-maya, lumabas ang isang maliit na basang sisiw mula sa napisang itlog! Dali-dali ko itong dinampot at inilagay sa ilalim ng inahing manok na nagpabaya sa kaniyang mga itlog. Nakatutuwa, tinanggap niya ito. Di-nagtagal at nagkaroon siya ng 12 mabalahibong sisiw na aalagaan, salamat sa abalang mga bubuyog.​—Isinulat.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Lahat ng larawan: Foto, Roland Berggren, Västerbottens-Kuriren, Sverige

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share