Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag naman sa pahina 28. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Sino ang pangunahing kaaway ni Jehova? (Apocalipsis 20:2)
2. Bagaman ang “Jehovah” ang kilalang Ingles na bigkas sa pangalan ng Diyos, ano ang pinapaboran ng karamihan ng mga iskolar na Hebreo?
3. Naging ano ang panganay na anak ni Abraham, si Ismael, upang matustusan niya ang kaniyang sarili sa ilang? (Genesis 21:20)
4. Sinong tao ang hindi gumalang sa kaniyang ama anupat ito’y nagbunga ng sumpa sa kaniyang anak? (Genesis 9:22-25)
5. Palibhasa’y ayaw siyang paalisin, si Solomon ay nangakong ibibigay ang anong mga palamuti sa dalagang Shulamita? (Awit ni Solomon 1:11)
6. Saang dako tinanaw ni Moises ang Lupang Pangako, bagaman hindi siya pinahintulutang pumasok dito? (Deuteronomio 3:27)
7. Ano ang itinakip kapuwa sa loob at labas ng daong ni Noe? (Genesis 6:14)
8. Ano ang sinabi ni Pablo na dapat nating gawin upang “takbuhin nang may pagbabata ang takbuhan na inilagay sa harapan natin”? (Hebreo 12:1)
9. Sino ang gumawa ng unang naitalang pagkabuhay-muli? (1 Hari 17:21-23)
10. Sa anong dahilan, sinabi ni Jesus, na hindi dapat ilagay ang bagong alak sa lumang sisidlang-balat? (Marcos 2:22)
11. Anong ulat ang masusumpungan sa mga kabanata 6 hanggang 9 ng Genesis? (Genesis 6:9)
12. Bukod pa sa ginto, pilak, at garing, anong dalawang uri ng hayop ang inangkat ni Solomon sa tatlong taóng paglalayag ng kaniyang plota ng mga barko ng Tarsis? (1 Hari 10:22)
13. Ano ang resulta nang si Haring Rehoboam at Hadoram, na nangasiwa sa kinalap na mga sapilitang manggagawa, ay pumasok sa teritoryo ng tumiwalag na mga tribo sa hilaga? (2 Cronica 10:18)
14. Ano ang sinabi ng Diyos na kaniyang “tuntungan” ? (Gawa 7:49)
15. Sino ang naulila nang ang kaniyang ina ay mamatay sa kaniyang pagsilang, pagkatapos marinig na ang asawa nito ay napatay? (1 Samuel 4:19-21)
16. Sa mga nagkukulang ng ano “pinananagana siya [ng Diyos] sa kalakasan”? (Isaias 40:29)
17. Kapag inihandog sa Diyos, ano ang hindi dapat may lebadura o “pulot-pukyutan”? (Levitico 2:11)
18. Ano ang inihula ni Mikas na hindi na pag-aaralan pa ng anumang bansa? (Mikas 4:3)
19. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa Salita ng Diyos? (Juan 17:17)
20. Sino ang ama ni Jonas? (Jonas 1:1)
21. Ano ang ipinagkaloob ni Haring Ahasuero sa hurisdiksiyonal na mga distrito ng kaniyang kaharian bilang pagdiriwang sa paghirang niya kay Esther na kaniyang reyna? (Esther 2:18)
22. Ano ang ginawa upang ipakita na ang isang aliping Hebreo ay kusang pumipiling huwag lumaya kundi manatiling naglilingkod sa kaniyang panginoon? (Exodo 21:5, 6)
23. Saan dinala ng mabait na Samaritano ang nasaktang lalaki upang ito’y mapangalagaan? (Lucas 10:34)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Satanas na Diyablo
2. Yahweh
3. Isang mamamana
4. Si Ham
5. “Mga kuwintas na ginto” at “mga kabit na pilak”
6. Ang taluktok ng Pisga
7. Alkitran
8. “Alisin ang bawat pabigat at ang kasalanan na madaling nakasasalabid sa atin”
9. Si Elias
10. Ang mga balat ay puputok, at mawawala kapuwa ang alak at ang mga balat
11. Ang kasaysayan ni Noe
12. Mga unggoy at mga pabo real
13. Si Hadoram ay binato hanggang mamatay, samantalang si Rehoboam ay nakatakas nang buháy
14. Ang lupa
15. Si Ichabod
16. Dinamikong lakas
17. Handog na butil
18. Pakikidigma
19. Katotohanan
20. Amittai
21. Isang amnestiya
22. Ang kaniyang tainga ay bubutasin ng isang pambutas
23. Isang bahay-tuluyan