Nakatulong Ito Upang Huwag na Silang Mag-away
Isang 11-taong-gulang na batang lalaki mula sa California, E.U.A., ang sumulat sa mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn, New York:
“Gustung-gusto ko ang inyong mga aklat, lalo na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Bago kami nagkaroon ng aklat na ito, lagi kaming nag-aaway ng aking ate. Isang araw ay ipinasiya naming pag-aralan ang aklat na ito, at natanto namin na hindi namin ginagawa ang ibig ng Diyos na gawin namin.
“Nakatulong nang malaki sa amin ang aklat na ito. Nagpapasalamat ako para rito, at pinasisigla ko ang ibang pamilya na basahin ang aklat na ito dahil napakaganda nito. Nakatutulong din ito sa aming pamilya na magkaroon ng kapayapaan at kaligayahan sa aming tahanan.”
Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay isang 192-pahinang aklat na nagtatampok sa kapaki-pakinabang na mga paksa tulad ng “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan,” at “Mapaglalabanan Mo ang mga Suliraning Pumipinsala sa Pamilya.”
Kung ibig mo na may isa na magdaos ng libreng pantahanang pag-aaral ng Bibliya kasama mo, sumulat ka sa Watchtower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.