Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag naman sa pahina 24. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Sino ang ‘naghiyawan sa kagalakan’ nang ‘ilagay ng Diyos ang batong panulok’ ng lupa? (Job 38:4-7)
2. Ano ang hindi mangyayari kailanman sa Kaharian ng Diyos? (Daniel 2:44)
3. Ipinakita ni David kay Saul na talagang hindi kapaki-pakinabang para kay Saul na tugisin siya sa pamamagitan ng paghahambing ng kaniyang sarili sa ano? (1 Samuel 24:14)
4. Saan ibinuhos ng ikapitong anghel ang kaniyang mangkok ng galit ng Diyos? (Apocalipsis 16:17)
5. Bakit tinawag na mga Israelita ang mga inapo ni Jacob? (Genesis 32:28)
6. Ano ang pinakamaalat na bahagi ng tubig sa lupa? (Tingnan ang Genesis 14:3.)
7. Bakit pinapayuhan ang mga Kristiyano na manalangin “may kinalaman sa mga hari at sa lahat niyaong mga nasa mataas na kalagayan”? (1 Timoteo 2:1, 2)
8. Anong Semitikong pananalita ang ginamit ni Jesus nang pagalingin ang isang lalaking bingi na may kapansanan sa pagsasalita? (Marcos 7:34)
9. Saan gumawa ng unang himala si Jesus? (Juan 2:11)
10. Anong palayaw ang ibinigay kay Esau? (Genesis 36:1)
11. Anong hayop ang ginamit ni Jesus sa isang ilustrasyon upang ipakita ang kaniyang hangaring tipunin ang hindi tumutugon na Jerusalem? (Lucas 13:34)
12. Anong metal ang ginagamit upang patalasin ang mga bagay na yari sa kaparehong metal? (Kawikaan 27:17)
13. Saan, sa pangitain, nakita ni apostol Juan na nakatayo ang Kordero at ang 144,000? (Apocalipsis 14:1)
14. Sino ang nagdala sa napakahalagang tanong tungkol sa pagtutuli ng mga di-Judio sa lupong tagapamahala sa Jerusalem? (Gawa 15:2)
15. Ano ang kabiserang lunsod ng sampung-tribo sa hilagang kaharian ng Israel? (1 Hari 16:29)
16. Ano ang bilang ng “mabangis na hayop”? (Apocalipsis 13:18)
17. Bakit naglakbay patungong Jerusalem ang reyna ng Sheba? (1 Hari 10:4)
18. Sino sa mga hari sa Juda ang napakasigasig ukol sa dalisay na pagsamba anupat inalis niya ang kaniyang lola sa posisyon nito sa kaharian dahil sa gumawa ito ng “isang kakila-kilabot na idolo”? (1 Hari 15:13)
19. Saan ibinuhos ng ikalawang anghel ang kaniyang mangkok ng galit ng Diyos? (Apocalipsis 16:3)
20. Sino ang balakyot na hari ng Israel na nakitungo nang may kabagsikan sa Tipsa? (2 Hari 15:16)
21. Anong sandata ang karaniwang inihahagis? (Josue 8:18)
22. Ano ang ipinangalan sa buwang lunar na Etanim pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya?
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Mga anghelikong anak ng Diyos
2. “Magigiba”
3. “Isang pulgas”
4. Sa hangin
5. Sapagkat pinalitan ng Diyos ang kaniyang pangalan ng Israel
6. Ang Dagat na Patay
7. “Upang makapagpatuloy tayong mamuhay ng isang kalmado at tahimik na buhay”
8. Effatha (nangangahulugang “mabuksan ka”)
9. Cana
10. Edom
11. Ang inahing manok
12. Bakal
13. Sa makalangit na Bundok ng Sion
14. Pablo at Bernabe
15. Samaria
16. 666
17. Upang marinig ang karunungan ni Solomon
18. Asa
19. Sa dagat
20. Menahem
21. Ang diyabelin
22. Tishri