Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 9/8 p. 32
  • “Isang Primera-klaseng Magasin”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Isang Primera-klaseng Magasin”
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 9/8 p. 32

“Isang Primera-klaseng Magasin”

Dati ka na bang nakabasa ng magasing Gumising!? Ano ang palagay mo sa kopyang hawak mo ngayon? Nasumpungan mo ba na nakapagtuturo ang mga artikulo, mahusay ang pagkakasaliksik ng mga ito, at kaayaaya ang pagkakalarawan?

Isang independiyenteng manunulat mula sa Nigeria, Aprika, ang sumulat: “Regular akong mambabasa ng Gumising!, bagaman hindi ako isa sa mga Saksi ni Jehova. Ang Gumising! ay isang primera-klaseng magasin. Para sa akin, ito’y isang saganang bukal ng mga bagong ideya. Ang mga pabalat nito ay nakatatawag-pansin at pumupukaw ng matinding pananabik sa isang walang-kinikilingang mambabasa na buksan ang mga pahina nito. Ang bawat isyu ay nagpapamalas ng kamangha-manghang pagkamalikhain; ang bawat pahina, ng kahusayan sa pagsulat. Dahil sa pagiging napapanahon at magaling na pagkakasulat ng mga artikulo, ang bawat isyu ay isang mainam na paghaharap ng kapaki-pakinabang at napakahalagang impormasyon.”

Pinasisigla ka namin na suriin ang mga artikulo sa kopyang ito ng Gumising! Kung nais mong magkaroon ng isa pang kopya, pakisuyong isulat ang gayong kahilingan sa isang liham sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5. Malulugod kaming padalhan kayo ng isa pang kopya o, kung inyong hihilingin, aming isasaayos na may dumalaw sa inyo sa tahanan upang talakayin sa inyo ang kahalagahan ng panahong ating kinabubuhayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share