Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 11/8 p. 32
  • “Gumising! ang Pinakaangkop na Materyal”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Gumising! ang Pinakaangkop na Materyal”
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 11/8 p. 32

“Gumising! ang Pinakaangkop na Materyal”

Ang nasa itaas ay komento ng isang 16-na-taóng-gulang na lalaking Muslim mula sa Benin City, sa bansang Aprika ng Nigeria. Ganito ang paliwanag niya sa isang liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Nigeria:

“Nakakita po ako ng Gumising! sa bahay ng isang kaibigan at humiram ako ng siyam na isyu. Binasa kong lahat ang mga ito mula sa simula hanggang katapusan sa loob ng isang araw! Lumiham po ako upang purihin ang lahat ng talino sa likod ng Gumising!​—kasama na si Jehova​—dahil sa isang napakahusay na nagawa! Partikular ko pong hinangaan ang inyong paraan ng pag-uugnay sa Bibliya at sa Diyos ng mga bagay na may kinalaman sa kapaligiran. Bilang miyembro ng Nigerian Conservation Foundation, naghahanap po ako ng mga materyal na bubuo ng aking sariling aklatan ukol sa kapaligiran at kalikasan. Ngayon ko po napagtanto na ang Gumising! pala ang pinakaangkop na materyal. Pakisuyo pong ipabatid sa akin kung paano ako makakakuha ng dalawang edisyon ng Gumising! bawat buwan nang deretso mula sa inyo.”

Marahil ay hindi ka pa nakababasa kailanman ng Gumising! bago mo ito nakita. Kung nais mong magkaroon ng isa pang kopya, pakisuyong hilingin ito sa pamamagitan ng isang liham na may direksiyong Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyong nasa pahina 5. Malulugod kaming padalhan ka ng isa pang kopya o, kung hihilingin mo, may isang dadalaw sa iyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang kahalagahan ng panahon na kinabubuhayan natin.

□ Padalhan ako ng bagong kopya ng Gumising!

□ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Globo: Sa kagandahang-loob ng Replogle Globes, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share