Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 2/8 p. 20
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1999
  • Subtitulo
  • Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1999
g99 2/8 p. 20

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos, ano ang nagagawa ng mga Kristiyano noong unang siglo na kapuwa tumulong sa kanila na magturo at magsilbing isang tanda sa mga di-nananampalataya? (1 Corinto 12:30)

2. Anong punungkahoy ang pinanggalingan ng dahon na dala ng kalapati nang magbalik ito kay Noe? (Genesis 8:11)

3. Anong heograpikong pangalan na kumakatawan sa isang bagay na matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Sinai Peninsula ang anim na beses na binanggit sa Bibliya at maaaring kumatawan alinman sa isang lunsod, rehiyon, hanay ng mga tanggulan sa hangganan, o sa isang tagaytay ng bundok? (Genesis 25:18)

4. Sino ang ginamit ni Joab upang magsumamo kay Haring David alang-alang kay Absalom matapos na si Absalom ay palayasin sa loob ng tatlong taon? (2 Samuel 14:4)

5. Anong lupain ang nasa hangganan sa silangan ng imperyo ni Haring Ahasuero? (Esther 1:1)

6. Sa mga hula tungkol sa pagsasauli, anong mga puno ang inihulang tutubo kapalit ng “palumpungan ng mga tinik” at “nakatutusok na kulitis”? (Isaias 55:13)

7. Ano ang ibinintang ng mga Judio kay Pablo sa harap ni Galio, ang proconsul ng Acaya, at bakit pinawalang-saysay ni Galio ang kaso? (Gawa 18:12-17)

8. Paano inilalarawan ng Bibliya ang kalagayan ng mga patay? (Gawa 7:60)

9. Sino ang dalawang nakatatandang lalaki na hindi nagtungo sa tolda ng kapisanan, bagaman pinili bilang bahagi ng 70 upang tumulong kay Moises? (Bilang 11:14-17, 24-26)

10. Anong bayan sa hangganan ng Efraim at Manases ang ibinigay kay Efraim, samantalang ang nakapalibot na lugar na nasa pangalang iyan ay itinalaga kay Manases? (Josue 16:8)

11. Ano ang unang apat na letra ng alpabetong Griego?

12. Ayon sa ulat ng Bibliya, ano ang inihahain sa “unang araw ng mga tinapay na walang pampaalsa”? (Marcos 14:12)

13. Sino sa mga anak na lalaki ni Josias ang inilagay ni Paraon Necoh sa trono ng Juda at tinawag sa pangalang Jehoiakim? (2 Hari 23:34)

14. Ano ang ibig sabihin nang maglagay si Moises ng dugo ng inihaing barakong tupa ng pagtatalaga sa kanang hinlalaki ni Aaron at ng bawat isa sa mga anak na lalaki nito? (Levitico 8:22-24)

15. Sino ang ama ni Josue? (Nehemias 8:17)

16. Sino ang ama ni Jezebel? (1 Hari 16:31)

17. Aling tribo ang nagdusa sa pagkamatay ng 42,000 miyembro nito nang hindi nila mabigkas ang salitang-hudyat na “Shibolet”? (Hukom 12:1-6)

18. Sinong mataas na saserdote ang sumaway sa matuwid na si Hana, anupat may-kamaliang nag-akala na siya’y lasing? (1 Samuel 1:12-15)

19. Sa Batas ng Diyos sa Israel, ano ang dapat isauli ng isang magnanakaw bilang kabayaran ? (Exodo 22:1-4)

20. Anong punungkahoy ang maramihang ginamit sa pagtatayo ng templo? (1 Hari 6:9-20)

21. Ano ang hindi magagawa ng Diyos? (Hebreo 6:18)

22. Sino ang mahigpit na Kaaway ng Diyos? (Zacarias 3:1)

23. Sa pangitain, ano ang nakita ni Amos na hawak ni Jehova upang ipakita na hindi nakapasa ang Israel sa pagsubok ng pagiging tuwid sa espirituwal na paraan? (Amos 7:7-9)

24. Saan inihahambing ng aklat ng mga Kawikaan ang isang magandang babae na hindi makatuwiran? (Kawikaan 11:22)

25. Ilang alagad ang isinugo ni Jesus upang kunin ang bisiro na sinakyan niya papasok sa Jerusalem? (Marcos 11:1)

Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Magsalita ng mga wika

2. Olibo

3. Sur

4. Isang marunong na babae na taga-Tekoa

5. India

6. Mga punong enebro at mirto

7. Pag-akay sa mga tao “tungo sa ibang panghihikayat sa pagsamba sa Diyos.” Dahil sa walang nilabag na batas ng Roma

8. Gaya ng natutulog

9. Eldad at Medad

10. Tapua

11. Alpha, beta, gamma, delta

12. Ang biktima ng Paskuwa

13. Eliakim

14. Na kailangang ituon nila ang kanilang landas at lumakad nang matapat sa abot ng kanilang makakaya sa kanilang mga tungkulin sa paghahain bilang mga saserdote

15. Nun

16. Etbaal

17. Efraim

18. Eli

19. Kabayaran hanggang limang beses ang dami

20. Ang sedro

21. Magsinungaling

22. Satanas

23. Isang hulog

24. “Gintong singsing na pang-ilong sa nguso ng isang baboy”

25. Dalawa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share