Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 6/8 p. 21
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1999
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1999
g99 6/8 p. 21

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag naman sa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Anong titulo ang ibinigay sa mga tagapamahala ng limang lunsod ng mga Filisteo na nagtulungan ukol sa magkakaparehong layunin, tulad ng pagsisikap na madaig si Samson? (Hukom 16:5)

2. Sa paggunita sa kanilang kinain sa Ehipto, aling mga pagkain ang pinanabikan ng mga Israelita samantalang nasa iláng? (Bilang 11:5)

3. Ano ang ipinaalaala ni Jesus sa kaniyang mga alagad na hindi na kailangang gawin ng mga liryo sa parang, bagaman napakaganda ng kagayakan ng mga ito? (Lucas 12:27)

4. Bagaman ang mga balo at mga diborsiyada ay natatali sa kanilang mga panata sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ano ang maaaring gawin ng asawang lalaki sa anumang panata na ginawa ng kaniyang asawa? (Bilang 30:13)

5. Noong panahon ng Bibliya, ano ang ginagawa bilang kapahayagan ng pagmamahal o paggalang? (1 Samuel 20:41, 42)

6. Ano ang ipinagbabawal ng ikalawang utos? (Exodo 20:4, 5)

7. Paano unang tinanggap ng mga Israelita ang Sampung Utos, at sa anong mga kalagayan? (Deuteronomio 10:4)

8. Sino ang bumili sa giikan ni Ornan, at ano ang itinayo nang dakong huli sa lugar na iyon? (1 Cronica 21:24; 2 Cronica 3:1)

9. Gaano karami ang mga kinatawan ni Solomon na may matataas na ranggo, at ano ang kanilang tungkulin? (1 Hari 4:7)

10. Bakit tayo pinayuhan ni Pedro na magkaroon ng “kababaan ng pag-iisip sa pakikitungo sa isa’t isa”? (1 Pedro 5:5)

11. Sino ang nakipagtalo kay Pablo sa pamilihang dako ng Atenas, anupat ikinakaila ang pag-asa ng pagkabuhay-muli? (Gawa 17:18)

12. Anong mga bagay, na ipinagkatiwala sa mataas na saserdote, ang ginamit upang matiyak ang kalooban ni Jehova sa isang bagay? (Exodo 28:30)

13. Sinong propeta ang binigyan ng pangitain tungkol sa makalangit na karuwahe ni Jehova?

14. Anong termino ang ginamit kay Haman at sa kaniyang ama, si Hamedata, na nagpapahiwatig na sila’y may lahing Amalekita at matagal nang mga kaaway ng mga Judio? (Esther 3:1; 8:3)

15. Anong sinaunang likidong sukat ang katumbas ng 3.67 litro o halos isang galon (U.S.)? (Exodo 29:40)

16. Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, anong mga katangian ang dapat na taglay ng isang hayop upang ibilang na malinis para kainin? (Levitico 11:3)

17. Ginawa ni Solomon ang kaniyang trono na yari sa ano? (1 Hari 10:18)

18. Paano pinasimulan ni Jesus ang kaniyang pakikipag-usap sa Samaritana sa balon? (Juan 4:7)

19. Saan pinatay ni Cain si Abel? (Genesis 4:8)

20. Ano ang unang ibon na espesipikong tinukoy sa Bibliya? (Genesis 8:7)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Mga panginoon ng alyansa

2. Mga isda, pipino, pakwan, puero, sibuyas, at bawang

3. Magpagal o mag-ikid

4. Maaari niyang mapawalang-bisa ito

5. Maghahalikan sila

6. Paggawa ng mga imahen at pagsamba sa mga ito

7. Ang mga ito ay pasalitang ibinigay sa Bundok Sinai nang magsalita si Jehova sa “gitna ng apoy”

8. Si Haring David; ang templo

9. Labindalawa; ang bawat isa ay tig-iisang buwan na naglaan sa sambahayan ni Solomon ng pagkain at iba pang panustos bawat taon

10. “Sapagkat sinasalansang ng Diyos ang mga palalo, ngunit binibigyan niya ng di-sana-nararapat na kabaitan ang mga mapagpakumbaba”

11. “Kapuwa mga Epicureo at mga pilosopong Estoico”

12. Ang Urim at ang Tumim

13. Ezekiel (Ezekiel, kabanata 1)

14. Agagita

15. Ang hin

16. Dapat ay nginunguya nito ang dating kinain at may hati, o biyak, ang mga kuko

17. Garing na kinalupkupan ng ginto

18. Humiling siya sa kaniya ng maiinom na tubig

19. Sa parang

20. Ang uwak

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share