Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga talata sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27.Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyon na “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Ano ang sinasabi ng Kasulatan na “nakataan magpakailanman” para sa di-makadiyos na mga tao at mga apostata? (Judas 13)
2. Ano ang hindi pa nangyari bago lumitaw ang mga pananim sa ikatlong araw ng paglalang? (Genesis 2:5)
3. Bakit nagsugo si Jehova ng makamandag na mga ahas sa gitna ng mga Israelita? (Bilang 21:5-7)
4. Sa ganap na diwa, ano ang ipinatutungkol tangi lamang kay Jehova? (Awit 18:30)
5. Ayon kay Pablo, sa ano hindi nagsasaya ang pag-ibig? (1 Corinto 13:6)
6. Sino ang tatlong lalaki na nagdala ng kinakailangang mga panustos kay David nang siya ay kinailangang tumakas sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom? (2 Samuel 17:27-29)
7. Ano ang tawag kay Jehova dahilan sa siya ang mataas na dako ng katiwasayan at kanlungan ng kaniyang bayan? (Awit 62:7)
8. Bakit ang ipinangalan ni Efraim sa kaniyang kasisilang na anak na lalaki ay Berias, na nangangahulugang “May Kapahamakan”? (1 Cronica 7:20-23)
9. Paano inilarawan ni Jesus ang bagay na titiyakin ng Diyos na madaramtan ang kaniyang mga lingkod? (Lucas 12:27, 28)
10. Gaano kalaki ang puwersang militar na nasa ilalim ng Etiope na si Zera na tinalo ni Jehova sa harap ni Asa? (2 Cronica 14:9, 12)
11. Anong babala ang ibinigay ni apostol Pablo hinggil sa mga kasama ng isa? (1 Corinto 15:33)
12. Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos sa lahat ng gawang-taong mga kaharian? (Daniel 2:44)
13. Paano nakilala ang bahay ni Rahab anupat siya at ang kaniyang sambahayan ay iniligtas nang wasakin ang lunsod ng Jerico? (Josue 2:18)
14. Paano nasakop ni Josue ang lunsod ng Ai? (Josue 8:3-7)
15. Gaano karaming manna ang ipinatabi ni Jehova kay Moises para sa mga salinlahing darating? (Exodo 16:32-34)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. “Ang kaitiman ng kadiliman”
2. Ulan
3. Sapagkat sila ay naghimagsik at nagreklamo laban kay Jehova
4. Sakdal
5. Kalikuan
6. Shobi, Makir, at Barzilai
7. Isang bato
8. Dahil sa pinatay ng mga lalaki ng Gat ang kaniyang nakatatandang mga kapatid
9. Tinukoy niya ang pagkakagayak sa mga liryo
10. Isang milyong lalaki
11. “Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga kinaugalian”
12. Dudurugin ang mga ito at wawakasan ang mga ito
13. Nagtali siya sa bintana ng isang panali na yari sa iskarlatang sinulid
14. Nagtalaga siya ng mga lalaking tatambang sa likuran ng lunsod at pagkatapos ay inakit yaong mga nasa loob na lumabas sa lunsod sa pamamagitan ng pakunwaring pag-urong hanggang sa ang mga ito ay mapalayo sa kanilang tanggulan
15. Isang sukat na omer